Capitulo Veinticinco

31 6 0
                                    

Chapter 25

MALALIM na ang gabi. Tahimik na naghihintay si Criselda ng pagkakataon. Malamlam ang liwanag ng kaniyang lampara upang walang kahit sino man ang makapuna sa kaniya sa loob ng silid-aklatan. Nakadungaw siya sa bintana ng silid habang pumapalibot sa kaniya ang mga librong madalas buklatin ni Marina.

Napukaw ang kaniyang paningin sa isang maliit na liwanag mula sa pader malapit sa hacienda Claemente. Hindi niya maaninag kung sino ang mga ito sapagkat malayo ito sa kanilang mansion.

Kinuha niya ang largabista(telescope) na laging ginagamit ni Marina sa pagtanaw sa kalawakan. Sinipat ni Criselda ng binuhat na malaking largabista ang lugar kung saan nakakakita siya ng mumunting liwanag.

Natutop niya ang kaniyang bibig. Hindi niya inaakala na ang magkapatid na Claemente ang palihim na pumupuslit sa kanilang mansion. Si Carlos ay nakasuot ng kaniyang uniporme habang hawak ang isang malaking lampara habang si Vicente naman ay nakasuot ng pantulog na nakasunod sa kaniya.

Ang buong akala niya ay siya lang ang may planong gawin ngayong gabi.

Ilang saglit pa'y bumukas ng marahan ang pinto. Dahil sa may lampara 'di kalayuan sa pintuan ng silid-aklatan ay nakilala niya ito, "Nahihimbing na ba si Ama?" mahinang tanong ni Criselda at lumapit sa taong pumasok. Siya si Manang Cosing.

"O-oo, Señorita. Narito na ang susing sinasabi niyo." nagmamadaling saad ni Manang Cosing na halatang kinakabahan sa ginagawa. Inamin na niya kay Criselda na itinatago ng Doktor si Marina sa loob ng imbakan ng mga alak at sangkap sa pagluluto. Nang mapakinggan niya ang usapan ng Gobernadorcillo at Doktor sa tangkang pagpatay kay Marina bukas ay hindi na siya nagdalawang isip na tumulong upang itakas ang Señorita.

Tinanggap ni Criselda ang susi, "Maghintay na lang ho kayo sa labas, naroroon ang espiya nina Carlos. Tutulungan niya tayo" bilin ni Criselda. Nakilala niya ang espiyang iyon nang magtungo siya sa likod ng mansion para sana magpahulaw ng kinain kanina sa hapunan.

Nagpakilala ito sa kaniya bilang espiya ni Carlos na nais maka-kalap ng balita hinggil sa pagkawala ni Marina. Dahil nga sa nasabi na sa kaniya ang katotohanan ni Manang Cosing ay nagsimula na sila ng planong itakas si Marina ngayon na ring gabi.

"H-hindi ako aalis rito, Señorita. Magtataka si Doktor Cristobal sa inyong pagkawala." saad ni Manang Cosing. "Sumama kayo sa amin sa malayong lugar, kakausapin ko si Heneral Carlos upang matulungan nila tayo. Lubhang mapanganib sa lugar na ito." pangungumbinsi naman Criselda. Napaisip saglit ang Mayor Doma. Sa huli ay tumango siya, nagbilin na mag-ingat at lumabas upang hanapin ang sinasabi ng dalaga na Espiya ni Carlos.

Nang makaalis ito ay maingat na humakbang si Criselda palabas ng silid aklatan. Sinarado niya ito dahilan upang mapa-hinga siya ng malalim. Kinakabahan siya na baka mapalakas ang pagsara ng pinto ng silid na iyon. Nakahinga siya ng maluwag nang wala naman itong naidulot na ingay.

Mabilis siyang nagtungo sa imbakan ng mga bariles ng alak at mga sangkap sa pagluluto. Wala mang liwanag habang binubuksan niya ang kandado, maliwanag naman ang liwanag ng buwan sa labas. Idagdag pa ang lamparang nakasindi sa loob ng silid na iyon na pumapasok sa mga uwang ng sinalansan na kahoy upang maging matibay na pintuan.

Nang mabuksan niya iyon ay bumungad sa kaniya ang pababang hagdan. Sumalubong sa kaniya ang matapang na amoy ng mga alak at pampalasa sa pagluluto. Ngunit binalewala niya iyon nang makita niya ang nanghihinang si Marina sa gitna ng mga ito. Nakagapos ang mga kamay at paa. Natatakpan pa ng isang tela ang kaniyang bibig.

Nanlumo siya sa kalunos-lunos na itsura ngayon ni Marina. Minsan na niya itong tinuring na ate, minsan niya na rin itong inintindi at pinahalagahan. Nakasuot ito ngayon ng bago at puting baro't saya ngunit mababakas sa saya nito na may bahid ito ng dugo.

Diferente Caras de AmorWhere stories live. Discover now