Capitulo Uno

236 24 5
                                    

Chapter One

Monte Calisto, 1835

SUMILAY sa bintana ng isang maliit na bahay kubo ang sinag ng haring araw. Tumama ito sa isang maliit na silid na yari sa pawid, kawayan at buli. Naalimpungatan ang isang dalaga na mahimbing na natutulog at bahagyang napakusot sa mata. Uminat pa siya ngunit natigilan siya at iminulat bigla ang kaniyang mga mata.

"Tanghali na! Susmaryosep, bakit hindi ako ginising agad ni kuya Juancio?" bulong nito sa sarili sabay balikwas sa kaniyang higa. Iniligpit niya ang hinigaan at hinanap sa ilalim ng kama na yari sa kawayan at matibay na kahoy ang kaniyang lumang alpombra na ineregalo pa ng kaniyang ina noong kaarawan niya. Lupa ang kanilang sahig kung kaya't kailangan niyang suotin iyon.

"Kuya Ciong? Kuya Juancio?" tawag ng dalaga nang makalabas siya sa kaniyang munting silid. Nagpalinga-linga siya sa paligid maging sa maliit nilang kusina ngunit hindi niya masumpungan ang kuya. Nagtataka rin siya sapagkat ang kanilang pugon ay mainit pa at sigurado siyang kakatapos lang magluto ng kanilang ina.

Ilang saglit pa'y kumakaripas ng takbo si Juancio na lumapit sa kaniyang kapatid kung saan kasalukuyang nasa kusina pa. Hingal na hingal ito at mukhang tumakbo ng malayo. Nakasuot siya ng kamiso na kulay berde at may buring sumbrelo. Hinubad niya ang suot at inilapag sa lamesa ang naturang sumbrelo.

"K-kuya bakit tila ika'y hinahapo? Nasan si Inang Ofelia? Hindi ba't ang bilin ko sa inyo'y gisingin mo ako ng maaga upang maunang maubos ang mga paninda nating gulay at maisama ako ni Inang sa---" hindi na natapos ng dalaga ang sasabihin dahil nang matapos uminom ng tubig ang binata ay nagsalita ito.

"Marcela kailangan mong sumama sa akin, may masamang nangyari sa tindahan" natatarantang wika ni Juancio dahilan upang manlaki ang mata ni Marcela at naalarma sa tinuran ng nakakatandang kapatid.

"A-ano? Sigurado po ba--?" hindi na natapos muli ni Marcela ang kaniyang sasabihin dahil hinila siya agad ng kuya. "Halina bunso, kailangan nating magmadali" mabilis na saad ni Juancio sabay labas nila sa kubo.

"T-teka ang ating munting tahanan baka tayo'y manakawan" habol pa ni Marcela at nilingon ang kanilang bahay kubo. Pilit niyang pinahinto ang kuya ngunit nagmatigas pa rin ito at ni hindi siya nilingon.

"Mas mahalaga ang ating paroroonan, wala nang oras Marcela" wika ni Juancio nang hindi lumilingon sa kapatid. Nang marating na nila ang karetang hila-hila ng kanilang kalabaw ay agad na inalalayan ni Juancio si Marcela sa pagsakay upang hindi ito mawalan ng balance sa paghakbang. Naguguluhan pa rin ang dalaga sa ikinikilos ng kuya. Kasalukuyang nakatali sa puno ng mangga ang kalabaw kung kaya't kinalag pa ni Juancio ang tali bago siya sumakay sa likod nito.

"Lakas, halina't humayo" anunsyo ni Juantio sa alagang kalabaw na ang pangalan ay Lakas. Hinampas nito ang pwetan ng alaga upang magsimula sa pagtakbo. Gulat pa rin si Marcela sa nangyayari at naglalakbay pa rin ang kaniyang diwa sapagkat kakagising lamang niya.

Nang marating na nila ang palengke ng kabilang bario ng Monte Calisto ay bumungad sa kanila ang ingay ng paligid. Mga naglalako ng iba't ibang gulay, prutas, isda, karne at mga sangkap sa pagluluto. Mayroon ring mga tao ang namimili at makikita sa kanilang kasuotan ang kanilang antas mayaman man o mahirap. Nakasuot ng magagarbong kasuotan ang mga kabilang sa Alta Sociedad, Peninsulares man o Insulares. Nakasuot naman ng simpleng kasuotan ang mga kabilang sa mabababang tao na minsa'y ipinagtatabuyan pa ng mga nagtitinda sa pag-aakalang wala itong salapi.

Nasasaksihan ni Marcela ang aliwalas ng kalangitan at tirik na araw ngunit hindi ito gaanong masakit sa balat. Napanganga siya sa langit na kulay asul sapagkat nagbibigay sa kaniya ito ng kahali-halinang pakiramdam at saya sapagkat napakalamig ito sa paningin para sa kaniya. Inilahad niya ang kaniyang dalawang braso upang damhin ang hangin habang nakatingala sa kalangitan.

Diferente Caras de AmorWhere stories live. Discover now