Capitulo Ocho

52 14 0
                                    

Chapter 8

"AKALAIN mo, tila sinadya niyang papuntahin ako roon at mas pagtibayin ang kasunduan!"

"Aming pinangako na tatapusin ang kasunduan iyon, at si Ruben mismo ang saksi sa pag-ayon niya!"

"Sadyang siya ay nahihibang na, nais niya talagang ituloy ang kasal gayong may iba akong napupusuan. Gusto niyang maging hadlang sa pag-iibigan namin ni Ruben"

Natapos na ni Criselda ang kaniyang salaysay habang nagtutupi ng mga damit si Marcela na ngayon ay nagpapatas na sa aparador. Inis na inis pa rin siya habang inaalala ang paghahanda ng pananghalian ni Vicente para sa kanila kanina na sakto namang pagdating ng kaniyang ama at ng Gobernador.

Nakangisi lang si Marcela sapagkat nakakatawa talaga ang itsura ngayon ng kaniyang kaibigan na parang nais sakalin si Vincente. Nang matapos na niyang tupiin ang mga damit ay tumabi siya kay Criselda na nakadamit nang pantulog. Kakasakay lang nila ng kalesa mula sa tahanan nina Amela ngunit dumiretso agad sila sa silid.

"Mabuti pa't kausapin mo si Señor Vincente ng masinsinan Cedang" ngisi ni Marcela na ikinainis lalo ni Criselda. Napasabunot na lang siya sa sarili at hinarap si Marcela na ngayon ay katabi na niya.

"Hindi ko kakausapin ang hambog na iyon, kung ayaw niya akong tulungan sa pagtapos ng kasal, ako ang siyang gagawa ng paraan!" diin ni Criselda sabay lusong sa kama niya at pinagsusuntok ang unan.

Natawa na lang si Marcela bago tumayo at tutungo sana sa kusina nang maalala niya ang tagpong pinagtabuyan sila ni Amela kanina. Hindi niya rin maintindihan kung bakit nakamasid lang sa kanila si Don Villano habang nangyayari iyon.

Natigilan siya sa paglalakad at hinarap ang nakasubsob na si Criselda, "Hinggil kanina sa alahasan ng mga Salvador, bakit tila galit na galit si Amela sa inyo? Pinaratangan pa niyang na ang pamiya ni Lila ang pumatay sa kaniyang ina at ikaw ay isang ahas"

Natigilan si Criselda at bumalikwas sa pagkakasubsob at hinarap si Marcela. Naalala niya muli ang tagpong iyon bago sila tumungo sa Eskwela at sumakay sa kani-kanilang kalesa. Hanggang ngayon wala pa rin siyang ideya sa bahay na iyon.

"Posible kayang may pagtingin siya kay Ruben?" panimulang tanong ni Criselda na agad na ikina-kunot ng noo ni Marcela. Umiling si Criselda at umupo sa dulo ng kaniyang kama sabay buntong hininga. "Siguro nga hindi, imposibleng mangyari iyon sapagkat kailanman hindi nila nakilala ang isa't isa" dagdag pa nito.

Napatingin si Marcela sa bintana ng silid ni Criselda. Madilim na at may ilang kumikinang na bituin ang nakikita kasabay ng nagkikislapang ilong nang tinatamaan ito ng sikat ng buwan. Muli niyang naalala ang diwatang gumawa ng anyong tubig na iyon.

"Katulad ng diwatang si Camilla, nagluluksa pa rin kaya si Amela sa ina niyang matagal nang hindi nakakapiling?"

Natigilan si Marcela nang magsalita si Criselda, "Sa tingin mo Elang, sino ang tinutukoy niya? Si Ruben kaya?" tanong ni Criselda. Hindi pa rin mai-alis sa isipan niya ang pala-isipang sinabi ni Amela.

Napa-isip si Marcela. Nanlaki ang mga mata niya nang may bagay na pumasok sa kaniyang isipan, "Maaaring si Señor Vincent ang kaniyang tinutukoy, hindi ba't---"

"Iyon? Siya? Mukhang ibig kong maduwal. Kailanman hindi ko tutugunan ng pag-ibig ang ginoong iyon" inis na wika ni Criselda. Hindi na niya nais tapusin ni Marcela ang teoryang iyon. Napakapit na lang siya sa dulo ng kama niya at ipinadyak ang mga paa. Umaasa siyang maapakan niya rin sa mukha si Vincent.

"Paano kung totoo nga? Nakita ko sa kaniyang mga mata" wika ni Marcela habang nakatayo. Naaalala niya pa rin ang itsura ng mga mata ni Vincent na puno ng lungkot at pagkasawi. Pakiramdam niya kaawa-awa ito sapagkat kaniyang nababatid na miski katiting wala itong pag-asa kay Criselda.

Diferente Caras de AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon