Capitulo Catorce

57 12 0
                                    

Chapter 14

WALANG magawa si Marcela kundi ang pagmasdan na lamang nito si Carlos na naka sakay na sa kalesa nito kasama si Vicente na dismayado ring lumingon sa dalaga bago sumakay. Naka tingin lang siya sa mga ito hanggang sa umandar ang kalesa na unti-unting lumalayo sa kaniyang kinaroroonan.

Napa iwas na lang siya rito sapagkat hindi na niya makayanan pa na masaktan pa ngunit aksidenteng tumama ang kaniyang malulungkot na mga mata sa bigong mga mata ni Anton. Natigilan siya sapagkat nasasaksihan rin niyang nangingilid ang mga nagbabadyang luha ng binata. Yumuko na lamang si Anton bilang pag-iwas.

"P-paumanhin, G-ginoo... kailangan ko nang lumisan. Baka hinahanap na ni Inang ang m-mga gulay na ito." Nauutal man ay pinilit ni Marcela na maging maayos ang kaniyang pananalita sa harapan ng binata. Nanatiling walang kibo si Anton ngunit ang kaniyang mga balikat ay umaalog, senyales na siya ay tahimik na humihikbi.

Pinilit na lamang ni Marcela na magpanggap na normal at isa-isang pinulot sa mula sa kalsadang lupa ang mga bayong na naglalaman ng mga gulay na lulutuin mamaya ni Aling Ofelia. Hindi na niya rin pinansin ang bulungan at makahulugang mga tingin ng mga taong patuloy pa rin na sila ay minamasdan.

Nang mapulot na niya ang mga bitbit ay nagsimula na siyang humakbang ng walang kaimik-imik sa takot na lalo niya lamang masaktan ang binata. Nang mamalayan iyon ni Anton ay pinunasan ng mahabang manggas ng kulay kremang kamiso na suot ang kaniyang mga luhang lihim na dumadaloy sa kaniyang pisngi.  Walang buhay siyang tumayo at hinarap ang humahakbang na dalaga.

"Tinatanggihan mo ba ang aking alok?" walang buhay na usisa ni Anton. Sa pagkakataong iyon ay natatakot siya sa magiging sagot ng dalagang kaniyang iniibig mula pa noong sila ay musmos pa lamang. Napa-hinto si Marcela ngunit hindi siya lumingon sa binata.

"Hindi ko ibig na ika'y masawing-palad. Magiging matapat na ako sa pagkakataong ito. Kahit na ang katiting na puwang sa aking puso ay hindi ka magkakaroon, tanging pagiging kaibigan lamang ang maiaalay ko sa iyo. Paumanhin, Ginoong Anton, paalam."

Ang mga sinabing iyon ni Marcela ay labis na nagpahinto sa pag-inog ng masiglang mundo ni Anton. Ang lahat ng matitingkad na kulay nito ay tila kumupas at nawalan ng buhay. Nawasak ang kaniyang puso na parang isang mamahaling muwebles na  dinukdok ng dinukdok hanggang sa maging isang pulbos dahilan upang tangayin ng hanging hindi malaman kung saan nga ba paroroon.

"Siya ba?" mahina ngunit mas makahulugang usisa pa ni Anton nang mapansin na hahakbang sana si Marcela dahilan upang agaran din itong mahinto. Hindi na mapigilan pa ng binata na maluha kahit na pinipilit niyang huwag ipakita ang kahinaan sa lugar kung saan maraming mata na kaya siyang husgahan ng palihim.

"M-magkaibigan tayo, Ginoong Anton. Pangako, wala roong magbabago" pag-klaro ni Marcela. Napatigil na lamang si Anton na animo'y napako sa kinatatayuan. Nabitawan niya ang mga rosas na sana'y magiging alay niya ng pag-ibig sa dalaga. Tumango si Marcela kahit na naka-talikod bilang pagsenyas na aalis na siya. Hindi niya kayang tignan pa ang binata mata sa mata.

Sa isang iglap ay nanlupapaypay ang buong katawan ni Anton. Unti-unting luminaw sa kaniya ang ideyang hindi nga siya ang lalaking tinitibok ng puso ni Marcela. Tanging nagawa na niya lamang ay mapa-luhod at yumuko upang maiwasan na mamasdan ang paglayo ng dalaga na magdudulot sa kaniya ng labis na pighati.







SUMAPIT na si Marcela malapit sa tahanan nila. Walang ibang sumasagi sa isipan niya kundi ang eksenang pagtalikod sa kaniya ni Carlos at ang pag-aalok ni Anton ng panliligaw. Lalong binabagabag siya ng nalulunod na isipan na parang kinakapos na siya ng kamalayan. Hinawi niya ang kaniyang mga luhang nagbabadya bago tuluyang maka lapit sa kanilang tahanan.

Diferente Caras de AmorWhere stories live. Discover now