Capitulo Doce

53 11 4
                                    

Chapter 12

"DIOS MIO!" sigaw ni Criselda. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap kay Marcela sa labis na takot sa nangyayari. Napa kapit naman si Marcela sa braso nito sapagkat tulad ng nararamdaman niya ay natatakot rin ito. Walang kamalay-malay si Vicente sa kaniyang ginagawa, ang alam niya lamang ay mapanatiling ligtas ang dalawang Binibini.

Laking buntong hininga ang kanilang pinakawalan nang huminto ng marahas ang sasakyan ng hindi man lang nasisira. Sumalpok ang kalesa ngunit sa isang matibay na pader. Ang kabayo naman ng mga Dela Cruz ay nakawala bago pa man sumalpok ito.

Ilang sandali pa'y nararamdaman ni Criselda ang mainit na hininga ni Vicente, ang mabilis na pagkabog ng puso nito sapagkat malapit lang sa ulo ni Criselda ang dibdib ng binata. Naamoy din niya ang samyo ng pabango nito tulad ng naamoy niya ng una niya muli itong nakita kanina.

Napatingin sa kaniya ni Vicente sa pamamagitan ng pagyuko. Tumugon naman si Criselda rito sa pamamagitan ng pagtingala niya. Hindi maintindihan ng dalaga ang nararamdaman niya ngunit hindi niya magawang iwasan ang maaamong mga mata ng binata.

"S-señorita, a-ayos lamang ba kayo?" biglang wika ni Marcela ng mabatid na ayos na ang lahat. Napalingon siya sa dalawa at laking gulat niya ng mamataang ang nakayakap sa kaniyang kaibigan niya ay nakikipagtitigan sa binatang nakayakap sa kanilang dalawa. "S-señorita? Señor!" ulit niya pa.

Agad na napa-iktad ang dalawa dahilan upang bumalik na silang dalawa sa realidad. Kumalas na si Vicente sa pagkakayakap sa dalawa upang masiguro ang kaligtasan ng mga ito. Bumitaw na rin si Criselda sa pagkakayakap kay Marcela at bilaang umiwas ng tingin sa mga kasama. Natawa naman si Marcela sapagkat tila may kung anong dahilan ang pag-iwas ng tingin ng kaniyang mga kasama.

"Paumanhin mga Binibini, n-nais ko lamang na masiguro ang inyong kaligtasan" wika ni Vicente ng hindi tumitingin sa mga ito. "A-ayos lang iyon, Señor. Naiintindihan namin, hindi ba Señorita?" Wika ni Marcela sabay tingin kay Criselda na agaran ding tumango. Muli siyang natawa sapagkat nabiro nanaman niya ang kaniyang kaibigan.

Naputol ang usapan nila nang may kung sinong sumisigaw sa labas ng kalesa. "Hindi ka ba tumitingin sa inyong dinaraanan? Kung nasaktan ang aking anak na si Marina? P*nyeta!" pag-aamok ni Doktor Cristobal na agad nilang nakilala. Sa isang kalesa kung saan naroroon sina Donya Josefa at Carlos, umiiyak si Marina. Animo'y may kung anong bagay ang naalala.

"M-mang Emetrio?" gulat na pagkumpirma ni Carlos nang makababa ito sa sinasakyang kalesa sabay kuha sa kulay tyololateng kabayo na nakawala kanina sa kalesa na minamaneho ni Mang Emetrio.  Sandali namang natigilan si Don Cristobal ng bumaba si Carlos. Ibig niyang maging kalmado sa harapan ng Heneral. "Mang Emetrio, kaninong kalesa ang iyong minamaneho?" tanong muli ni Carlos matapos niyang mai-abot ang kabayo rito.

Bumaba na rin ang Gobernador at si Donya Feliza mula sa isa pang kalesa na nasa likuran ng sinasakyan ni Donya Josefa, Marina at Carlos. Upang maayos ang maaaring gusot na mangyayari gayong malapit nang magtanghali.

"Kagalang-galang na Heneral, paumanhin. Ako po'y---" hindi na natapos ni Mang Emetrio pagsagot sa katanungan ni Carlos nang may narinig siyang nagtuloy noon. "Si Mang Emetrio ay aking kinausap upang maging aming kutsero sa pamamasyal. Ang kalesa at kabayong iyan ay pagmamay-ari ni Doktor Cristobal" wika nito habang inaayos ang abrigong gumusot sa kadahilanan ng nangyari kanina.

"Pinalitan mo ang aming kutsero?" singit ni Criselda nang makababa rin siya sa kalesa kasabay si Marcela. Nagulat naman si Don Cristobal nang mapansin na kanila nga iyong kalesa. "Paumanhin, Don Cristobal. Aking babayaran na lamang ang mga napinsalang iyong ari-arian" saad pang muli ni Vicente nang hindi sinasagot ang tanong ni Criselda na nasa kaniyang likuran ngayon.

Diferente Caras de AmorWhere stories live. Discover now