Capitulo Veintisèis

36 6 1
                                    

Chapter 26

1 month later...

NANANATILI sa palibot ng mga puntod si Doktor Cristobal. Nakatayo siya sa harap ng dalawang puntod na minsan nang naging mahalaga sa kaniya. Suot niya ang kaniyang uniporme sa panggagamot. Dapit-hapon na ngunit hindi muna siya umuwi, bagkus ay mas piniling bisitahin ang mga puntod bago makasapit sa kaniyang mansion.

"Patawarin mo ako, Criselda. Patawarin mo ako, Josefa. Nabibigla lamang ako, hindi kaso sa akin kung nagtaksil o nag-sinungaling kayo sa'kin. Hindi ko ginusto ang mga nagawa at kasamaan ko." nagmamakaawang wika ng Doktor na tila mapapakinggan siya ng mga ito. Nagbabadya na ang kaniyang mga luha. Labis niyang pinagsisihan ang lahat ng nagawa. Dahil na rin sa nakaramdam siya ng pag-iisa sa loob ng isang buwan.

Bigla siyang napatigil sa pag-hikbi nang maulinigan ang mga yabag ng tumatakbong lalaki papalapit sa kaniya. Ito ay si Mang Ruel, "M-magandang araw po, Doktor." panimula nito. Nanatiling nakatalikod ang kaniyang kausap.

"Nahanap mo na ba si Marina?" tanong ni Doktor Cristobal habang nakatulala pa rin sa mga krus na nakatusok sa libingan nina Donya Josefa at Criselda. Hindi niya rin makita ang dati nilang Mayor Doma na si Manang Cosing.

Hindi niya pa rin matanggap ang nangyari sa kaniyang anak nang makita niya itong isang malamig na bangkay sa tabi ng kalsada. Mula nang araw na iyon ay labis niyang pinagsisihan ang nagawa. Kung sana ay hindi siya umayon sa kagustuhan ni Gobernador Arkimedez, buhay pa sana ang kaniyang anak at asawa. Gayon na rin kay Marina, hindi niya malabong ituring itong anak sapagkat minahal na niya ito noon pa man.

Ang nag-udyok lamang na gawin niya iyon ay ang pagiging tapat at pagtanaw ng utang na loob niya sa Gobernadorcillo. Ang mag-amang Doktor Leonilo at Gobernador Arkimedez ang nagbigay sa kaniya ng oportunidad upang ipagpatuloy ang naudlot niyang propesyon.

Naging mangangalakal siya noon sa Kalakalang Galeyon sa loob ng halos labin-limang taon sapagkat hindi siya nakakuha ng certifico. Nang matapos iyon at bumalik siya sa Monte Calisto. Naging ganap siyang Doktor at nagkaroon ng sariling Pagamutan/Hospitàl sa tulong ng mga Claemente. Siya ay naging tunay na maunlad.

"Patuloy pa ho ang aking paghahanap at pagtatanong-tanong sa mga karatig na bayan kung nakita nilang napagawi roon si Señorita Marina." salaysay ni Mang Ruel habang nakatitig sa likod ng doktor. "Kung inyo rin hong natatanong, wala pa rin pong bakas ng magkapatid na Claemente at ang mag-iinang Miraflor." patuloy pa nito.

"Salamat, Mang Ruel. Kailangan ko sila. Ipagpatuloy mo ang paghahanap." tumango si Mang Ruel sa bagay na iyon. Umalis ito sa likuran ng Doktor. Iba ang kutsero nito ngayon nang sa gayon ay walang magduda sa mga ikinikilos ni Mang Ruel na halos dalawang buwan nang tapat sa kaniya.

Hindi maaaring mawala kayo na parang bula. Kailangan niyo akong tulungan. Kailangan kong maghiganti kay Arkimedez. Bulong nito sa sarili. Inilapag niya ang dalawang remilyente(punpon) ng mga puting rosas sa magkabilang puntod saka lumisan sa lugar na iyon.









NAKASAPIT na si Doktor Cristobal sa kaniyang Mansion. Madilim na ang paligid. Kataka-takang may kalesa pa roon bukod sa kalesa niya. Naipagtanong niya sa mga guardia personal niya ang bagay na iyon at sinabi nitong nandoon ang Gobernadorcillo at ang asawa nito, gusto siyang makausap. Matapos iyon ay hinanda na niya ang kaniyang sarili papasok.

Samatala, nang marinig ng lumuluhang si Donya Feliza ang paparating na kalesa ng doktor ay napatayo siya. Gayon na rin si Gobernador Arkimedez. Kanina, ipinaghanda sila ng mga serbidora ng mansion ng mga meryenda at ang pinagtataka ng Donya ay wala roon ang kanilang Mayor Doma. Bago na ang tagapamahala ng Mansion. Batid naman ng Gobernador ang tunay na nangyari.

Diferente Caras de AmorWo Geschichten leben. Entdecke jetzt