Capitulo Treinta y Tres

61 4 0
                                    

Chapter 33

ANG HULING KABANATA

MABIBIGAT ang bawat hakbang nina Don Rogelio at Franco habang binabagtas ang kahabaan ng pasilyo sa loob ng kwartel. Nakatanggap sila ng liham mula kay Mang Emetrio at sinaad nito na si Carlos ay wala sa selda nito. Kung kaya't naalarma sila at mula sa Tanggapan ng Opisyal ay mabilis silang tumungo roon.

"Don Franco, Don Regelio!" panimula ni Mang Emetrio saka yumukod nang maulinigan ang dalawa na papalapit sa kinaroroonan niya. Kanina'y kaharap niya ang seldang walang laman. Sinusuri niya ito kung nakatakas ba si Carlos o may nagpatakas.

"Nasaan ang h*yop na iyon?!" sigaw ni Don Rogelio nang makumpirmang wala nga roon ang nasasakdal. Mula nang matapos ang paglilitis ay inaasahan nilang inihahanda na si Carlos papunta sa Bagumbayan at doon bitayin para bukas.

"H-hindi ko ho batid. Maging ang mga inatasang bantay ni Don Franco ay wala na rin!" tugon ni Mang Emetrio saka lumingon kay Franco na tila may iniisip na malalim. May nakulutuban siyang tila kakaiba. Ngunit kailangan niyang kumpirmahin kung tunay nga ang kaniyang kutob.

Napalingon rin si Don Rogelio. Siya na ang bagong alperes kung kaya't hindi siya makapapayag sa nanyari. "Wala ba tayong gagawin, Franco? Magpapagawa agad ako ng mga paskin at ipapakalat ito sa buong bayan. Pakikilusin ko na rin ang mga hukbo."

Akmang tatalikod na sana ang nanggagalaiting si Don nang hawakan siya sa braso ni Franco. Hindi marapat na madawit ang kanilang apelyido. Kung tama man ang kaniyang paghihinala, sasarilinin muna niya ang totoo para sa kapakanan ng kanilang magkakapatid.

"Ako nang bahala rito, Don Rogelio. Hindi kita bibiguin sa aking gagawin. Aking nararamdaman kung nasaan ngayon si Carlos!"







NARATING na ng marangyang kalesa ang lugar kung saan ito patungo. Lulan nito si Marcela na kakababa lamang sa sasakyan. Si Mang Ruel ang kaniyang kutsero, sinuhestyon niya ito mismo sapagkat mapagkakatiwalaan naman ito. Tapat ito gaya ng kung paano nag-alay ito ng katapatan kay Doktor Cristobal noon.

Inilbot ni Marcela ang kaniyang paningin. Nangangamba siya kanina pa, maaaring hindi nagtagumpay sina Marina at Juancio na kumbinsihin ang mga bantay ni Carlos na isama ito sa kanila kasama rin ang mga guardia sibil. "Nasaan na sila," bulong ni Marcela sa sarili.

Hindi niya mapigilang maging balisa. Nilalaro niya na ngayon ang kaniyang mga daliri gaya ng parati niyang ginagawa kapag kinakabahan, nag-iisip o nagiging tuliro. Tumingala siya sa asul na kalangitan upang kahit papaano ay gumaan ang kaniyang pakiramdam, ngunit bigo siyang maramdaman iyon.

Darating sila Marcela. Maniwala kang makikita mo muli siya!

Sa huli ay napabuntong hininga si Marcela. Inayos ang kaniyang asul na bestida na isinuot niya kanina lang. Luminga-linga muli siya sa magkabilang dulo ng daanan at napako ang tingin niya sa banayad na agos ng Ilog Pag-asa. Mas lalo siyang nagulumihanan sapagkat magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman niya sa lugar na iyon.

"May naaalala ho ba kayo sa lugar na ito, Señorita?" biglaang saad ni Mang Ruel na nagpabalik sa reyalidad kay Marcela. Tumango na lang si Marcela bilang tugon. Natatakot siyang malaman ng matandang lalaki ang sinasabi ng kaniyang mga mata. Ang mga alaalang hindi na mauulit o maibabalik sa dati pa.

"May mga lugar talagang may mahalagang papel sa ating buhay. Iyong ibang lugar: iniiwan, kinakaligtaan, kinamumuhian o 'di kaya nama'y binabalik-balikan." Nagtataka si Marcela sa sinasabi ni Mang Ruel. Kilala niya itong tahimik at hindi pala-kibo. May pagkakonserbatibo at tanging ngiti ang bawat tugon sa lahat ng nalulungkot.

"Ngunit, hindi naman natin mapipigilan ang takbo ng panahon. Ang bawat landas na itinudla ng tadhana. Sa huli, kahit na iwaglit o itatak natin sa ating puso't kaluluwa ang isang alaala, mananatili lamang itong alaala at hindi na mauulit pa."

Diferente Caras de AmorWhere stories live. Discover now