Capitulo Veintitrès

39 6 0
                                    

Chapter 23

MAGAGASPANG, makakapal at malamig na pader na gawa sa matitibay na bloke ng bato ang pumapalibot ngayon sa pamilya Miraflor. Malayo sa kinagisnan nilang lugar sa loob ng maraming taon.

Madilim at tahimik ang paligid, kung wala silang maririnig na sigawan at pagmamakaawa ng mga taong pinapahirapan, gina-garrote at pinapaamin sa isang malaking silid hindi kalayuan sa kanila. Tanging ang mga sulo sa bawat pasilyo lamang ang nagbibigay liwanag sa loob ng kwartel.

Naroon, kabilang sa pinapahirapan sa loob niyon si Mang Mario. Kung kaya't hindi maiwasang mangamba ng kaniyang mag-iina ang mangyayari rito.

Ang dalawang selda na magkaharap ay ang kinalalagyan nila. Sa unang selda ay sina Marcela na tulala sa kawalan at si Aling Ofelia na paulit-ulit na nagdarasal at nagsusumamo na gabayan sila ng Maykapal, kapwa sila magkayakap mag-ina.

Nasa katapat na selda ang kinalalagyan ni Juancio. Naka-gapos ang magkabila nitong pulso sa kadenang dinesenyo para sa pagpapahirap. Naka-tayo siya at hinahayaan siyang mangalay sa posisyong iyon upang magtanda. Wala rin siyang pang-itaas na damit upang maranasan niya ang ginaw ng paligid. Wala siyang kasalanan ngunit pinapahirapan siya ng ganoon.

Maayos naman silang sumama sa kapitan ng mga guardia sibil ngunit sinapit pa rin ng pamilya Miraflor ang dahas na iyon. Mga mapanghusgang mata ng mga ka-barrio nila na tila ginagawa silang masama at sinungaling sa lahat ng tao.

"K-kuya Ciong," tawag ni Marcela habang nakayakap sa kaniya si Aling Ofelia. Napakinggan nila ang daig ni Juancio na ilang araw na nasa ganoong kalagayan. Hindi nila maatim ang sinasapit nito ngayon. Ngunit wala silang magawa, kapwa sila nakakulong sa pang-aakusang batid nilang walang katotohanan.

"A-ayos lamang ako, Bunso. Nagpapasalamat ako't nababatid kong nasa maayos kayong kalagayan ni Inang," nanghihinang tugon ni Juancio. Gumalaw siya ng kaunti kung kaya't kumalansing ang mga kadenang nakagapos ngayon sa magkabila niyang kamay. May galos siya ngunit hindi naman iyon malala.

"Huwag ka nang gumalaw, Juancio. Aking papakiusapan ang mga guardia na alisin nila ang gapos mong iyan. Nababahala na rin ako sa inyong Itang" maluha-luhang wika naman ni Aling Ofelia. Napalingon pa siya sa saradong silid na pinagmumulan ng sigawan. Umaasang maayos doon ang kaniyang asawa.

Hinarap siya ni Marcela at muling niyakap sa pag-asang mabibigyan nito ng kapayapaang-loob si Aling Ofelia. Hindi naman siya nabigo at kahit papaano ay nabigyan ito ng kapanatagan sa sarili.

"Magiging maayos din ang lahat, Inang. Naniniwala akong wala tayong pagkakasala. Batid iyon namin ni Kuya sapagkat napakinggan namin ang pag-uusap nina Itang at ng Alcalde. Hindi po ako nagnakaw." malumanay na salaysay ni Marcela. Naluluha na siya ngunit hindi niya ibig na ipakita na pinanghihinaan na rin siya ng loob. Katulad ng sinabi niya kay Criselda, naniniwala siyang ang lahat ay magiging mapayapa.

"Huminahon kayo, Bunso at Inang. Nasa maayos naman po akong kalagayan. Hindi niya na kailangan mangamba pa," saad ni Juancio dahilan upang mapatingin sa kaniya si Aling Ofelia. "Opo, narinig ko rin po ang usapan ng alcalde at ni Itang, may matibay po siyang ebidensya." patuloy pa nito na ikinahinga ng maluwag ng ale.

Muling naalala ni Marcela si Mang Emetrio. Nagtataka siya noong araw na iyon kung bakit naroroon ito sa kanilang tahanan. Tumakas at tila may iniiwasang bagay o lihim na dala-dala.

"Ukol po sa bagay na iyon, nakita po namin ni Kuya si Mang Emetrio noong araw na iyon. Hindi ko po alam kung bakit ngunit nararamdaman ko pong may nababatid siya sa mga nangyayari." salaysay ni Marcela at muling napatulala sa kawalan. Sa loob ng halos isang linggo ay hindi niya rin nasumpungan ang presensya ni Carlos. Kung batid niya ba ang nangyari sa kanila o abala ito sa maraming bagay.

Diferente Caras de AmorKde žijí příběhy. Začni objevovat