Capitulo Cinco

99 17 4
                                    

Chapter 5

"ELANG maraming salamat dahil---" hindi natapos pa ng dalaga ang sasabihin nang mapansin ang pamumugto ng luha ni Marcela. "Anong nangyari?" usisa pa nito.

Natigilan si Marcela nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

Nang lumingon siya sa mga ito ay laking gulat niya nang magtama ang kaniyang mga lumuluhang mga mata sa mga mata ng binatang nais niyang magpatahan sa kaniyang pagtangis tulad ng pagpapatahan sa kaniya nito noong una silang nagkita.

"Elang..." ulit pa ng dalaga na ngayon ay nagugulumihanan sa ekspresyon ng mukha ni Marcela ngayon. Nakapausod ang mahaba niyang buhok at suot ang dilaw na baro't saya na nabuburdahan ng mga hugis mirasol(sunflower) na ginamitan ng puting sinulid. Maaliwalas ang mukha niya ngunit naging problemado nang makita ang kaibigan.

"Ah... a-ayos lang ako Señorita Criselda, n-napuwing lang ako" palusot ni Marcela sabay punas ng kaniyang mga luha na pumatak at papatak pa lang. Tumango tango naman si Criselda sapagkat agad siyang nakumbinsi. Hinimas niya na lang ang balikat ni Marcela at lumapad ang pag-ngiti. Hindi nakumbinsi si Carlos sa idinahilan nito at taimitim lang siyang tinitigan si Marcela.

"Nagagalak akong makita ka muli Elang, at labis rin akong nagpapasalamat sapagkat ikaw pa ang siyang gumawa ng paraan upang ako'y payagan ni ama na lumabas" wika nito sabay yakap kay Marcela. Napangiti naman ito at animo'y gumaan ang pakiramdam niya sapagkat may tao pa ring handang yakapin siya sa oras ng kailangan niya iyon.

Maya-maya pa'y kapwa bumitaw na sila sa pagkakayakap. "Wala iyon, hindi ba't tayo magkaibigan" ngiti ni Marcela at sabay silang tumango ni Criselda. Iniaro nila ang kani-kanilang hinliliit bago magsalita.

"Dalawang binibini,
Hindi pagagapi.

Ano mang mangyari,
Magkasangga palagi.

Hidwaan sa pagitan natin,
Hindi magwawagi.

Higit pa sa ka-deligado, magkapanalig, o kakampi,
Tayo'y magkaibigan palagi."

Nagtawanan sila pareho matapos nilang sabihin ang napagkasunduang tugmaan nila. Tinawanan nila pareho ang pagkembot-kembot nila na animo'y mga bulateng binudburan ng asin.

Ilang sandali pa'y natigilan sila, lumingon sila sa paligid at napansin ang pag-iwas ng tingin ng magkapatid na Claemente maging ang mga binatang napapadaan at nakiki-usyoso sa kanila. Para sa mga kalalakihan isang kapusukan ang makita nila ang isang binibini na hindi kaibig-ibig kung kumilos.

Napatikhim na lang si Marcela at Criselda nang mapagtanto nila iyon. Natahimik sila at animo'y may dumaang angel sa pagitan nila.

Naroroon pa rin ang ilang katandaang mga babae, nagtanda pa ng krus at nagbulungan sa sarili na "diyos ko patawarin niyo ang mga binibining ito"

Nasaksihan nilang lahat iyon sapagkat isang kalesa ang ngayon lamang nila nakita na napagawi sa kanilang barrio ngunit ito'y kilalang-kilala.

Ang isang kalesa ay matagal na nilang napapansin na mapagawi roon sapagkat iyon ay isa sa mga sasakyan ng Pamilya Dela Cruz. Ngunit ang isa'y mahiwaga sa kanila kung bakit naroroon.

Ang isa sa mga kalesa ng kanilang Gobernador Arkimedez Claemente.

"P-paumanhin sa aming ikinilos, sadyang nagagalak lang kaming makita ang isa't isa" paghingi ng tawad ni Marcela at nais niya iparinig iyon sa mga ka-barrio maging kina Carlos at Vicente. Nais na nilang kainin ng lupa dahil sa kahihiyang iyon.

Ngumiti nang kaunti si Carlos, maging si Vicente at hinarap na nila pareho ang dalawa. "Ayos lang iyon, aming naiintindihan na kayo talaga'y matalik na magkaibigan" wika ni Carlos gamit ang malagom niyang boses na animo'y nagbibigay ng talumpati.

Diferente Caras de AmorWhere stories live. Discover now