Capitulo Seis

89 13 4
                                    

Chapter 6

"MGA h*yop, h*yop ang inyong pamilya! Demonyo kayong mga Claemente!" nanginginig ang kamao ng matandang lalaki habang patuloy pa rin ang matatalim na tingin nito sa nakahilatang si Carlos. Nasa edad kwarenta(40) ang lalaki ngunit malakas pa rin ang pangagatawan nito.

Tumayo si Carlos at inis na hinarap ang lalaki na hindi pa rin nagpapatinag sa binata kahit pa kaharap nito ay isang heneral.

"Heneral, huwag mo na sanang gantihan pa siya" pagsusumamo ni Marcela. Hahawakan niya sana si Carlos sa braso ngunit agad niyang napagtanto na hindi naman sila magnobyo, bagkus ay isa lamang na magkaibigan.

Tumango na lang si Carlos at matipid na ngumiti, bagay na ikinagulat niya. Ang inaasahan niya ay gaganti ito ng suntok o hindi kaya ay ipapakuyog sa taong bayan.

"Hindi ako natatakot sa hawak mong kapangyarihan! Kayo ang siyang matakot sa batas!" sigaw pa ng matandang lalaki na ikinagulat rin ni Carlos. Hindi niya mawari ang nais ipahiwatig ng matanda sa kaniya.

Walang mga guardia sibil na nagkalat sa paligid. Tanging mga mamamayan ng Barrio Calla at ilang magsasaka na mula sa kani-kanilang bukid ang naroroon. Lahat sila ay kapwa napatingin sa nangyayaring pag-aamok ng isang lalaki at nagawa pa nitong atakihin ang ginagalang nilang Heneral.

"Pinatay niyo ang aking asawa!" buong sigaw na punong-puno ng galit ang pinakawalan ng lalaki. Makikita sa mga mata niya at kaniyang nakakuyom na kamao ang panginginig at pamumula nito. Nais na niyang sumabog.

Tila inabandona ang buong paligid, walang umimik sa mga taong naroroon ni isa sa kanila. Taimtim silang nakikinig at nagugulat sa mga isinasalaysay ng lalaking kanilang kilala. Ayaw nilang pigilan ito sa takot na madamay sila kung sakali mang ipapapatay ito ng heneral.

"Wala po akong natatandaan na aming pinaslang, tinatakasan ka na po ba ng iyong katinuan?" nagugulumihanang wika ni Carlos. Kahit na naiinis na siya ay pinipigilan niya ang kaniyang sarili. Para sa kaniya, ang pagkakaunawaan ang susi sa mga suliraning pinag-uusapan ng bawat tao.

Mas lalong nanginig sa galit ang lalaki sapagakat para sa kaniya isang pabalang na tugon ang mga sinaad nito. "Katulad ka nga ng iyong ama! Walang modo, maitim ang budhi!"

Hinugot niya ang isang punyal mula sa kaniyang baywang dahilan upang magulat at masisisigaw ang mga taong naroroon. Lumapit siya sa heneral at akmang sasaksakin nang salagin ito ni Marcela.

Nanlamig ang buong katawan ni Carlos, gulat siyang nakatingin sa dalaga na ngayon ay gulat ring nakatingin sa bumubulwak niyang dugo sanhi ng malalim na pagkasaksak ng punyal. Malalim ang tinamo niyang sugat sa sikmura. Maging ang matandang lalaki ay natigilan at animo'y nagising sa matinding bangungot na naranasan.

Natauhan ang lalaki at nabitawan ang punyal. Napaluhod siya sa lupa at tulalang nakatingin sa dalaga.

Samantala, gulat na tumakbo si Juancio patungo sa kaniyang kapatid na unti unti nang bumabagsak sa lupa. Nabitawan niya ang dalawang timba na gawa sa kahoy ay iniwan iyon sa gitna ng daan. Wala na siyang paki-alam sa bagay na iyon, ang mahalaga sa kaniya ay ang kaniyang kapatid.

"Bunsooo!" humahagibis na takbo ni Juancio, wala na siyang paki-alam kung sino ang nababangga. Pasigaw niyang isinaad iyon upang marinig ng kaniyang kapatid na ngayon ay nasa bisig ng heneral.

"K-kuyaaa" lumuluhang wika ni Marcela nang makita ang kaniyang kuya. Iniabot niya ang kaniyang mga kamay upang maabot niya ito. Sa mga oras na iyon nais niyang mawalan ng malay sa piling ng kaniyang pinakamamahal na kuya.

Sandaling natigilan si Carlos, ang tagpong iyon ay pamilyar sa kaniya. May nagugunita siyang bagay sa mga oras na iyon. Ang bawat pagtawag nina Marcela at Juancio ay tila isang alaala na nagpapabalik sa kaniyang nakaraan. Ang magkapatid na una niyang nakilala noong una siyang nakalabas ng kanilang mansion, na pinagsisisihan niyang hindi inusisa ang pangalan.

Diferente Caras de AmorWhere stories live. Discover now