Capitulo Veintidòs

38 7 0
                                    

Chapter 22

"KAY LUSOG mo na, Maricela!" puna ni Marcela sabay kurot sa pisngi ng munting bata. Ngumiti naman ito dahilan upang maningkit ang mga mata nito sa tuwa. Lalo siyang pinanggigilan ng dalaga.

"Marahil, hiyang lang po ako sa pagkain sa Mansion. Lubos pong nagigiliw si Ina sa'kin" pagtampok ni Maricela. Tunay ngang parati siyang inaasikaso ni Donya Feliza sapagkat magiliw ito sa bata, lalo na sa batang babae. Hindi na bago ang tingin niya rito at tinuring na tunay na anak.

"Nakatutuwa't malayo na ang iyong itsura nang makita kita noon. Huwag mong kakalimutan na sa kanila ay magpasalamat. Mahalin mo rin sila ng buong puso" ngiti ni Marcela sabay himas sa ulo ni Maricela. Tumango naman ang bata ng napaka-inosente kung kaya't lalo siyang napa-ngiti.

"Iyon na nga po ang lagi kong ginagawa. Nakakalungkot po sapagkat hindi ako pinapansin ni Don Arkimedez. Ibig ko pa naman po sanang siya ay tawaging Ama" nguso ni Maricela. Dismayadong napabuntong-hininga na lang si Marcela. Naalala niya ang bagsik at katapangang pinapakita ng Gobernador sa kanilang mga maralita.

"Hayaan mo na, Maricela. Aking nararamdaman na pagtutuunan ka rin ng pansin katulad ng ginagawa ni Donya Feliza. At isa pa, nandito naman kami ng iyong Itay" ngiti ni Marcela sabay ngiti diretso kay Maricela. Tumango muli ang munting bata at niyakap ang naka-yukod na dalaga.

"Gayong pinag-uusapan na po natin si Itay, nariyan na po siya. Bitbit ang aking tubig" tawa ni Maricela sabay kalas sa pagkakayakap. Lumingon sila pareho kay Carlos na kakalabas lamang ng tahanan ng mga Miraflor matapos niyang maka-usap si Marina sa loob.

Inayos na ni Marcela ang tindig at tumalikod. Hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng pagkakaba at katuliruan. Naiisip niya na baka dahil sa mga bagay na gumugulo sa isipan niya at ng mga taong patuloy na nagmamatyag sa kanila sapagkat naroroon ang heneral na lingid sa kanilang isipan na ito ay ang kaniyang kasintahan.

Tumakbo si Maricela upang salubungin si Carlos na parang tunay niyang ama na galing sa trabaho at may dalang pasalubong sa kanya. Sinalubong siya ni Carlos at sinabihang huwag tumakbo sapagkat baka siya madapa.

"Ito na ang iyong inumin, anak. Aking nababatid na nauhaw ka sa ating laro kanina. Nagigiliw ka rin bang kausapin ang iyong Inay?" saad ni Carlos sabay abot kay Maricela ng basong may lamang tubig, yumukod siya kapantay nito.

Tumango naman ito habang umiinom, "O-opo, sa aking hinuha ay ibig ka rin pong makausap ni Inay, Itay!" sigaw nito matapos ang pag-inom niya ng tubig. Narinig ito ng ilan tao na nasa paligi kung kaya't may ilang bulungan na umalingaw-ngaw sa gitna ng dapit-hapon.

"M-maari mo ba kaming iwan saglit? Kakausapin ko ang iyong Inay Marcela" ngiti ni Carlos, napapatingin pa siya sa paligid at napatikhim dahilan upang matahimik ang lahat. Tumango naman ng mabilis si Maricela. Habang si Marcela naman ay walang ideya sa pinaguusapan nila sapagkat biglaang lumalim ang kaniyang pag-iisip.

"Opo, Itay. Pupunta na lamang po ako kay Kuya Vicente na ubod ng sungit" tawa ni Maricela. Kahit kailan, mula nang mapadpad siya sa tahanan ng mga Claemente ay puros biro ang kaniyang hilig dahilan upang magkaroon ng kulay ang bawat sulok ng puting mansion.

Natawa si Carlos sa birong iyon ng bata, "O'siya, hinaan mo ang iyong boses. Baka marinig ka ni Vicenteng sungit" pagsakay niya sa biro nito. Napahagikhik ng palihim ang munting bata, muntik pa niyang mabitawan ang baso. "Sige po, Itay. Papasok na po ako upang ang suyuan niyo ni Inay Marcela ay manaig" kantiyaw ng bata na tila may nalalaman hinggil sa pag-ibig. Napa-ilig na lang si Carlos at tumayo mula sa pagkakayukod at nagpaalam sa umalis na si Maricela.

Nagsimulang humakbang si Calos. Nagtatalo ang kaniyang isip at puso habang humahakbang. Ibibigay niya ba ang bagay na kinukubli ng kaniyang uniporme o kapag naging maayos na ang lahat? Ngunit paano kung huli na pala ang lahat? Pagsisihan niya kung hindi niya sasamantalahin ang pagkakataon.

Diferente Caras de AmorWhere stories live. Discover now