Chapter 48 - Love

710 40 2
                                    

Calli

Ang dali nga talaga ng panahon. A month already passed and the tournament will start tomorrow. Dito sa academy gaganapin ang tournament kaya hindi na kami nahirapan pa na mag-impake at bumyahe. Ang ibang school ay nandito narin at tinitingnan ang mga lugar na paglalabanan.

Also, for  the past month, while me and my friends are training Ate Happy and Ana are busy finding all the members of the league. Natapos na sila at mukhang handa na nga ang lahat. I just hope it will go well.

"Team, gather around" wika ni Professor Bremmer kaya lumapit kami sa kanya. We have our team uniform and its very classy. It looks so comfortable too. Professor called us earlier to try wearing these uniforms.

"Bukas na ang tournament kaya goodluck sa inyo at sa akin narin. Tandaan niyo lahat ng itinuro sa inyo sa training and apply it in the official tournament. Let's do our best to win but if luck is not on our side it's okay, may susunod pa naman. You are still a champion whether you lose or you win" napangiti kaming lahat sa sinabi ni Professor. He's very strict in our training and now he's loosing it up a bit.

"Thank you Professor." Wika ni Fenaia.

"One more thing, who is our captain?" tanong ni Levi. Oo nga pala, hindi pa kami nakakapagdecide kung sino ang captain namin.

Lahat sila napatingin sa akin at napakunot noo naman ako. Nang maintindihan ko kung ano ang ipinararating nila ay agad akong umiling. "No, please no. That's a big responsibility I can't handle that"

"But you are so perfect for the role. For the past month, ikaw ang itinuturing na namin na captain. You are already leading us" wika ni Annika. Napakamot ako sa ulo ko. I didn't even realize that. The heck!

"Guys, I'm a very bad leader. I always force myself to pass my limit and try everything to win. Kung sa akin lang ay okay lang iyon pero kung ipipilit ko sa inyo kung ano ang dapat gawin, its not okay. Ayoko kayong pilitin sa mga bagay na gusto kong gawin niyo para lang manalo. You understand me right?" wika ko. I really don't want to be the captain. I'm already stressed out about Hostina and other things regarding the orbs and totem, ayokong magdagdag pa ng iba.

"It's fine with us. Kung para lang manalo tayo I will do everything" wika ni Mikael. I really thought this asshole will not be okay about me being a leader. Bakit parang nagbago ang ihip ng hangin?

"Yeah. Base on my observation for the past month, parati mong sinasabi ang mga pagkukulang namin and it's a good thing. Natatama namin ang mga mali namin. Your plans are also great, parang pang panalo nga siguro lahat ng mga naisip mong plano at strategy. Lastly, you encourage us always, making us feel we can do anything or everything and praising us despite our lack of skills. You always hype us up and I think that's one of the characteristics of a leader." Wika ni Daffodil. Natahimik naman ako, Daffodil is building me up. Napailing nalang ako, I can't believe I didn't notice that I was doing all the things she said.

From my point of view, I was just helping them normally. Iba na pala ang epekto nun sa kanila. Malakas akong napabuntong hininga. I don't have a choice now, well I do but none of them wants to be the captain so I'll do it.

"Fine, let's do our best" sabi ko. Nag-group hug kami at syempre kasama namin si Professor na ginabayan din kami sa training.

Pagkatapos ng meeting namin ay lumabas na kami sa silid na iyon. Professor Bremmer said he has something to do so he left us first. Kami naman ay namasyal nalang dahil marami na namang mga stalls na inihanda. Mas bongga pa nga ang mga stalls ngayon at design kesa noong tournament namin.



Nawala ang mga ngiti sa mukha namin nang makasalubong namin ang kambal na magkapatid ni Ate Happy at ang babaeng kasama nila noong nakaraan. I think Karen is her name. May kasama din silang iba, mga kakampi siguro nila.

AnaWhere stories live. Discover now