Chapter 3 - New friends

1.1K 48 1
                                    

Nagmamadaling isinuot ni Calli ang kanyang sapatos at mabilis na lumabas ng room niya. Sampung minuto nalang at magsisimula na ang klase at ayaw niya na ma-late siya. She promised herself na magiging mabuti siyang estudyante pero unang araw pa nga lang ay male-late na siya.

Being late in class doesn't define how good a student is anang isip niya.

Maraming napapatinging estudyante sa kanya dahil sa pagtakbo niya. Alam din niyang dahil iyon sa itsura niya. Hindi maayos ang pagkakasuot ng blazer niya at magulong nakatali ang buhok. Hindi nalang niya pinansin ang mga titig ng mga estudyante at tumakbo lang dahil mas importanteng makaabot siya sa klase. Mabuti na nga lang at alam niya kung saan ang classroom na papasukan.

Agad siyang huminto sa pagtakbo nang malapit na siya sa classroom at nilakad nalang ito. Inayos niya narin ang suot niya at tinanggal ang tali sa buhok saka nagsuklay, mabuti nalang at may dala siyang maliit na suklay. Napatingin siya sa relo niya, tatlong minuto nalang. Napangiti siya dahil alam niyang hindi pa siya late.

Nang makarating na siya sa tapat ng pintuan ay huminga na muna siya ng malalim saka pinihit ang door knob at binuksan ang pintuan. Tama siya, marami na nga ang mga estudyante. Pumasok na siya at inaasahan na talaga niya ang mga tinginan.

"Bago?" she heard. "Siguro, ngayon lang natin nakita eh"

Calli roamed her eyes and was amazed at how big the room was. Napatingin siya sa mga upuan at nakahinga ng maluwag nang makitang may bakante pa. Umupo na siya doon at nakangiting tiningnan ang babaeng nakaupo sa tabing upuan. "Hello" bati niya dito. Mukhang nabigla ang babae sa pagbati niya at hindi agad nakasagot.

"H-hi" bati nito. Tumingin sila sa harapan nang may pumasok na babae na sa tingin ni Calli ay ang magtuturo sa kanila. Medyo may edad na kasi ito.

"Goodmorning" bati nito. Lahat ay tumayo kaya tumayo narin si Calli at yumuko nang nagsiyukuan na lahat. "Goodmorning Professor Macovsky"sabay na bati ng lahat.

Nakataas ang kilay na napatingin ang professor kay Calli pero nginitian lang niya ito. "The headmistress told me about you, stand up and introduce yourself" wika nito kaya tumayo siya.

""I'm Calli Elric, 18 years old" Tumango lang ang professor kaya umupo na siya. Nabigla din siya dahil ang bilis ng pagpapakilala niya. Wala man lang tanong ang mga kaklase niya sa kanya pati na ang professor. Naisip niyang baka ganito lang talaga ang approach ng lahat.

Nagsimula ng magturo si Professor Makovsky. Tungkol sa mga halimaw ang topic nila at wala siyang pakialam doon. Napag-aralan na niya ang mga iyon. Everytime Happy visits them, she always brought books with her. Iyon ang pinag-aralan nila ni Ana kaya pamilyar na sa kanila ang mga ganitong topic. Ang sabi ni Happy ay magagamit daw nila iyon at mukhang magagamit nga nila.

45 minutes later. She sigh because she was bored. Not because of Professor Makovsky but because she already knows the topic. Wala na siyang magawa kundi ang pilitin ang sariling makinig, ayaw naman niyang matulog sa kalagitnaan ng klase dahil nga nangako siya na magiging mabuting estudyante siya saka nirerespeto niya ang professor. She sigh again... Ang hirap maging mabuting estudyante.













Calli

Parang na-drain lahat ng energy ko dahil sa sunod-sunod na mga klase kanina. Iyong una ay boring tapos iyong sumunod naman ay ganoon din. Sana pala ay hindi na kami binibigyan ni Ate Happy ng libro para naman macurious kami sa mga lessons namin dito. Parang alam na namin lahat eh.

Para na akong zombie na naglalakad ngayon. Magulo na naman ang buhok ko at hinayaan kong buksan ang blazer ko dahil naiinitan ako. Papunta ako ngayon sa canteen dahil kailangan ko ng energy and food, I mean lots of food gives me energy.

AnaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin