Chapter 8 - Amelia

877 43 0
                                    

Blanko lamang ang ekspresyon ni Ana habang nakatingin sa labas ng bintana ng silid niya. Absent siya at plano niyang magkulong lang buong araw dahil wala siyang ganang lumabas. Gusto din kasi niya ng tahimik na lugar and the dorm is the best place for that.

"I wonder what Calli is doing now?" tanong niya sa sarili. She misses her cousin already and she wanted to talk and hug her. Nagkikita man sila pero hindi nga lang makapag-usap.

Napaisip siya, she's with that club and the members has different element pero maayos naman ang pakikitungo sa isa't isa. Pwede na siguro siyang makipag-usap sa ibang estudyante na may ibang element. But she remembered Happy, ang sabi nito ay magpapanggap sila kaya kailangan nilang sundin iyon para mapadali ang plano nila.

Napabuntong hininga nalang si Ana sa iniisip at napatingin sa grupo ng magkakaibigan na tanaw niya mula sa bintana niya. They were having fun. Nagtatawanan ang mga ito at naghahampasan pa, makikitang malapit ang mga ito.

Ana thought about having friends in her class but no one attempted to talk to her. Idagdag pa na naimpluwensyahan na ang mga ito sa babaeng noble na mainit ang dugo sa kanya. Another reason is maybe because she doesn't smile? Or maybe because she doesn't talk too much?

Kinuha ni Ana ang maliit na salamin na nasa higaan lang niya at tiningnan ang sarili. She tried smiling pero naramdaman niyang parang may mali. Pilit ang ngiti niya at walang buhay ang mga mata niya. Napabuntong hininga nalang siya at hinagis pabalik sa higaan ang salamin. She has no trouble smiling when she was a kid pero ngayon parang imposible na siyang ngumiti.

"Who cares if I have no friends"sabi nalang niya at humiga narin siya. Napatingin siya sa kisame at tiningnan ang mga nagliliparan na mga anghel. Maliit lamang ang mga iyon. Ganoon parin ang theme ng room niya dahil hindi daw pwedeng ibahin pero pwede namang dagdagan kaya nagpadagdag nalang siya.

She was having fun watching the little angels when someone knocked. She groaned and lazily stand up. Kumatok pa ng ilang beses ang nandistorbo sa kanya kaya nagmamadali na siya at binuksan ang pinto.

She was not surprised kung sino ang kumatok. Napaisip na siya na it's either Fenaia or Happy and one of them was right. It's Fenaia.

"Why are you here?"tanong niya.

"Hindi kita nakita ngayong araw at naisip ko na baka absent ka so pinuntahan kita dito. Bakit ka nga pala absent? May sakit ka ba? Do you want me to call a healer or dadalhin kita sa clinic? Do you---"

"Wala, gusto ko lang mapag-isa ngayong araw" sabi niya at isasara na sana ang pintuan pero pinigilan siya ni Fenaia at binigyan pa siya ng nakaawang tingin. "Argh, fine, pumasok ka" pinatuloy nalang niya ang babae dahil kukulitin na naman siya nito.

Masayang pumasok si Fenaia at lumundag pa sa kama niya. Napatingin din ito sa kisame at namangha. Para itong bata kung tingnan kaya napailing nalang si Ana. "Cook something"utos ni niya kay Fenaia kaya napasimangot ito pero sinunod din naman siya.

"Bakit ka ba talaga nandito?" tanong niya kay Fenaia habang ang huli ay naghahanda ng mga ingredients para sa lulutuin. Nasa refrigerator naman lahat kaya hindi na ito nahirapan na kumuha.

Fenaia grinned at her question. "Pagseselosin ko si Lance. Sasabihin ko sa kanya na magkasama tayo buong araw. Hindi pa naman iyon mapakali kapag hindi ka nakikita" natutuwang sabi nito. Nagkasalubong ang kilay niya. Hindi niya alam ang pinagsasasabi ng babaeng kaharap. Bakit naman daw pagseselosin? Ano ba ang mayroon kay Lance?

"What? Why?" tanong ni Ana.

Hindi naman makapaniwalang napatingin si Fenaia sa kanya. "What? You don't know? Isn't it obvious?" Umiling si Ana dahil wala talaga siyang alam.

AnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon