Chapter 5 - Devereux and Clemence

1K 53 1
                                    

Idinuyan-duyan ni Ana ang mga paa habang nakaupo sa malaking sanga ng puno na nasa tabi ng malaking field. Nakatanaw siya sa ilang mga estudyanteng naroroon. Napahikab siya at ikinusot-kusot ang mga mata. She's really sleepy, hindi kasi siya nakatulog sa gabi dahil sa pagbabasa niya at hindi niya namalayan ang oras.

"Dapat maaga kang natutulog" anang boses sa baba. Hindi na niya ito tiningnan dahil alam niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. "I thought we are not allowed to talk and just pretend that we don't know each other" aniya.

"I know, I just want to check on you guys."

"Okay lang naman ako. Don't worry Ate Happy"aniya pero napabuntong hininga lang si Happy. "I know, cause you promise you won't cause any trouble. I'm actually surprised that you are not yet causing any trouble. I mean, back on earth, you always get yourself and Calli in trouble" Ana chuckled. Nababahala talaga si Happy kapag nakakita sila ng "Trouble".

"Parang nagpalit kayo ng personality ni Calli. Nakahanap na siya ng gulo ngayon." Anito at lihim siyang napangiti. "Yeah, I heard she saved a girl" Hindi na siya nagtaka kung may makitang gulo ang pinsan lalo kung may nakikita itong inaapi. Parang totoong hero talaga ang pinsan sa mga mata niya. Palaging nililigtas ang mga naaapi at isa na siya doon, noong nasa elementarya palang sila.

"Don't worry about her Ate Happy. She's Callisa Marie. Alam mo ang kaya niyang gawin" Napailing nalang si Happy sa sinabi niya. "Iyon na nga eh. Nababahala ako sa kaya niyang gawin" anito na may pag-aalala sa tinig. Nararamdaman talaga niya ang pag-aalala ni Happy sa kanila and she appreciate that. "I'll be going now and before that. Just to remind you, NO trouble okay? Mas malala ka pa naman kaysa sa pinsan mo" Hindi na siya sumagot dahil nawala na ang presensya nito. Tumalon siya sa baba at pinagpag ang uniform niya dahil baka nadumihan iyon saka siya lumakad.

Napagdesisyunan niyang bumalik nalang sa building ng mga 2nd Year. Kumuha siya ng libro sa bag niya at binasa iyon habang naglalakad siya. Dahil nasa libro ang atensyon niya ay hindi niya nakita ang tao sa harap niya. Humarap ito sa kanya pati na ang kasama nito.

"Sorry" wika niya.

Ngumiti ng malaki ang babae. "It's okay" anito at hiniwakan pa ang kamay niya. Pinaningkitan niya ito ng tingin kaya napabitaw ito. Napakamot nalang ito sa ulo at awkward na tumawa. It was Calli and she doesn't know the girl beside her. So she made a friend already?

"OMG, ikaw yong kausap ni Lance" sigaw ng kung sino at naramdaman nalang niya na may mahigpit na nakayakap sa kanya. Napatingin siya dito at nakilala ito. It was Fenaia Ash, an Air Master. "I heard that you're gonna join our club"wika nito. Hindi lang siya ang napataas ang kilay pati narin si Calli.

"Club? What Club?" hindi napigilang tanong ni Calli.

"Music Club!" masayang sagot ni Fenaia. Napatingin sa kanya si Calli pero hindi niya ito nilingon dahil magtatanong lang ito tungkol doon. "I'm not joining" sabi ni Ana pero hindi ito pinansin ni Fenaia at nanatiling nakayakap sa kanya.

Samantala, si Calli naman ay nagpipigil sa sarili. Gusto niyang baliin ang braso na nakayakap sa pinsan niya. How dare she put her dirty arms around my cousin! Ni hindi ko nga malapitan ang pinsan ko. Bweset! Her jealousy is overflowing pero hindi niya ito pinahalata.

"C'mon, dadalhin kita sa club room at ng marinig mo kaming tumugtog" wika ni Fenaia at hinila si Ana. Labag man sa kalooban ay nagpadala nalang si Ana dahil mahigpit ang kapit ng babae sa kanya.

Masamang tiningnan ni Calli ang papalayong bulto ni Fenaia at Ana. She formed her fist and was about to walk when someone grabbed her arms. Kinalma niya ang sarili, nakalimutan niyang may kasama pala siya.

AnaWhere stories live. Discover now