Chapter 64 - Black Kingdom

654 38 2
                                    

Nakatutok lang sa kawalan si Ana habang iniisip parin ang tungkol sa kanilang dalawa ni Calli. Masaya na siya noong sinabing hindi naman pala talaga totoo ang tungkol sa propesiya na siya ang tatapos sa mga black meisters pero pinutol kaagad ang saya niya. Totoo nga talaga ang propesiya pero iba sa sinabi ng mga elders na pinagkatiwalaan ng mga magulang niya at ng mga tao.

"Ana, everyone is at their assigned places. Anytime now maaaring sumugod ang mga black meisters. Mas maganda kung kasama nila ang mga elders" wika ni Calli pero hindi sumagot si Ana at nanatiling nakatingin sa kawalan. Napansini iyon ni Calli kaya tinapik niya ang pisnge nito. Napatingin naman si Ana sa kanya.

"W-what? May sinabi ka?"

Napabuntong-hininga nalang si Calli. "Stop thinking about the prophecy, sabi nga ni Magister Felicity, it won't happen today or tomorrow. Matagal pa iyon kaya may panahon pa tayo para maghanda. Sa ngayon, ang mga elders at black meisters na muna ang alalahanin natin." Kahit pa mahirap mawala sa isipan niya ang tungkol doon ay tumango nalang siya. 

"Let's go at the frontlines, everyone is there. Mommy said we might make the first move if the black meisters will not attack tonight. We think they are still recovering from the last battle" sinundan ni Ana si Calli papunta sa sinabi nitong frontlines.

Maraming mga myembro ng mga league doon na nakahanda na. Their armors and weapons are also upgraded. Even the airboards used by some are also upgraded following the designs and improvised versions that they made. 

Nang makalapit na silang dalawa ay napatingin ang lahat sa kanila. Binigyan naman sila ng isang maliit na device ni Sayaka at kinuha nila iyon at isinuot sa tenga. "New version?" tanong ni Ana.

"Yep, Tita Ayana and Calli upgraded it for everyone. Tanging mga captain ng league, tayo at ilang myembro ng league natin ang pwedeng magsalita, the rest will just listen." Paliwanag ni Sayaka.

"Glad you two are here. I have a mission for the new generation of elites and that's you Calli, Ana, Sayaka, Seth, Fenaia, Lance, Mikael, Levi, Peter, Alice, Daffodil and River. It's dangerous but I think you guys can pull it off" wika ni Ayana.

Napaturo naman sina Alice at Daffodil sa sarili at hindi makapaniwala sa sinabi nitong kabilang sila sa elites. "A-ah, kami po? Elites?" tanong ni Daffodil. "Pero hindi po kami noble" dagdag pa ni Alice.

Ngumiti lang si Ayana sa dalawa. " I think you've forgotten. Elites is not a group for nobles. Grupo ito ng mga taong handang maglingkod para sa Aesthia at idadagdag ko lang na kasali sina Mira, Leshara, Freya Shyna at Mai sa elites dati and they are not nobles. Zenny and Dahlia are also considered as a member since they are serving me and Amanda."

Dahlia was happy while looking at her daughter, she's proud of her. Daffodil has changed so much and that makes her happy. Her daughter was no longer the scared girl like she was before. She's now a brave and a strong warrior of Aesthia. Kahit kay Alice na anak ng matalik na kaibigan niyang si Zenny ay ganoon din. Nalulungkot parin siya sa sinapit ng kaibigan kaya ni minsan hindi niya magawang bumisita sa anak nito at sa pamilya kaya hindi lumaking malapit ang anak niya at anak nito. Kahit ganoon gumawa parin ang tadhana ng paraan para magkalapit ang dalawa at kahit ang mga anak ng kaibigan din nila.

"We will do our best to protect Aesthia" sabay na wika ng dalawa.

"Enough of that elite thing, sabihin niyo nalang kung ano ang misyon na ibibigay niyo" putol ni Ana sa usapan kaya napatingin ang lahat sa kanya. "Geez, maghintay ka nga. Bakit ba nagmamadali ka?" tanong ni Seth na ikinatahimik ni Ana. Umiwas naman siya ng tingin.

"Ayoko lang masayang ang oras" dahilan nito.

"Well, she's right so I'll tell you all now" ani Ayana. Seryoso naman silang naghintay sa kung ano man ang sasabihin nito.

AnaWhere stories live. Discover now