Chapter 7 - Four Continents

954 56 0
                                    

Lance

Natatawa at napapailing nalang ako dahil kay Mikael. Kanina pa ito daldal ng daldal dahil sa babaeng nakilala namin kanina. Namumula na din ang mukha niya dahil sa inis.

"And did you know that her goal is to bring down the earth master group in the tournament? At isa pa, mukhang may tinatagong galit sa pinsan ko at iyong mga ngiti niya ay peke! PEKE! Ang ayaw ko sa lahat ay iyong mga taong peke!" sigaw nito. Ngayon ko lang siya nakitang ganito at dahil pa sa isang babae. He is cool with everything and this is the first time I see him lost it.

Natawa si Levi sa kanya. "Relax dude, She didn't even asked for you to like her. Wala nga siyang pakialam kung elite ka pa" sabi ni Levi na umiling pa.

"That too! We are the elites. We are nobles, tapos gaganunin lang tayo?"

"Ikaw lang Mikael."sabi ko at totoo naman. Siya lang naman ang binara ng babae kanina. Napaupo nalang siya at malakas na napabuntong hininga. Kung hindi niya ito pinansin edi sana peaceful ang gabing ito para sa kanya.

Di kaya may gusto ito sa babae? Napangiti nalang ako sa naisip ko. I want to ask him but I know for sure he'll just deny it. Alam ko na ang ugali ni Mikael, isa siyang malaking tsundere! In denial King! Daig pa ang babae. What if I invite that girl in the club? Nope, I think that would be a bad idea, baka riot lang ang araw-araw namin.

And speaking of everyday, finally, Ana decided to join our club and I can see her everyday. She's really good at playing piano. It's like piano was made for her to play. And I never heard anyone played piano as good as her.

"Baliw na din ang isang ito" napatingin ako sa kanilang dawala na nakatingin din sa akin. Ako ba ang sinabihan nila ng baliw?

"Lance sigurado ka bang magaling talaga si Ana?"Tanong ni Levi. I smirked at him.

"Yup, I'm 100 percent sure. I am willing to trade my guitar if she's not. I heard and saw her play and that was the best piece I've heard so far"sabi ko sa kanila.

"Baka naman best girl you've seen so far" wika ni Levi at natawa pa. May halo ring tukso ang boses. Naghigh five pa ang dalawa at nagtawanan. Binato ko naman ng ballpen si Levi dahil sa sinabi niya.

"Siraulo" tumawa ito ng malakas at umiwas sa binato ko.



Napatingin kaming tatlo sa pinto nang bigla iyong bumukas at napatayo kami nang makilala kung sino ang bumukas niyon.

"What are you three still doing here? Dapat nasa dorm na kayo" sabi nito. Nasa club room pa kasi kami at gusto pa namin magpractice. Ana really is scary na kahit kaming mga elites ay natatakot sa kanya. Kami ang kinatatakutan dito sa Academy dahil nga mga noble kami. We came from a well known and prestigious family and here we are, scared because of that girl. Mayroon talaga siyang nakakatakot na awra at para bang sinasabi sa amin na sundin lahat ng sinasabi niya.

"Pasensya na Seth. Hindi namin namalayan ang oras" paumanhin ko sa kanya. "Call me 'kuya' Lance. Matanda ako ng ilang taon sa inyo" malamig na sabi nito. Hindi na ako sumagot. Kuya Seth is also part of the elite and also Ate Sayaka na minsan lang namin nakakasama dahil ilag ito sa mga tao at maging sa amin kahit na halos sabay naman kaming lumaki.

Ngayon ko lang din pala napagtanto na si Ana lang ang hindi elite sa club namin. Well, this club is not exclusively for elites pero hindi naman kami talaga nagpapapasok ng kung sino.

"Bumalik na kayo sadorm" maawtoridad na sabi nito.

"Yeah" walang gana kong sabi at kinuha na ang mga bag namin at lumabas. Siya narin ang nagsara ng club room namin. Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa pag-uusap namin, kung pag-uusap nga ba iyong matatawag.

AnaWhere stories live. Discover now