Chapter 2 - Years later

1.5K 60 0
                                    

Ilang taon na ang lumipas nang mangyari ang trahedyang nagpabago sa buhay ni Ana at Calli. They we're forced to live like a mature adult because they had no choice. Sila nalang ang magkasama sa bahay kahit pa mayroon namang bumibisita sa kanila na mga kaibigan. Nagbago din ang mga ugali nila. Ana is not as talkative as she was many years ago. Nagsilbi namang ate si Calli kay Ana. She always helped Ana in so many ways, protected her, guided her because that's what her mom said.

"Ana let's go home?" tumango lang si Ana at hinawakan ang braso niya at lumakad na sila. Calli smiled at her gesture. May ilang hindi naman nagbago kay Ana, ang pakikitungo nito sa kanya. She's still clingy as ever. "Ana bukas na ang graduation natin, ano ang gusto mong gawin?" Tanong ni Calli sa kanya. Usually, Calli will be the one to make all the decisions for them and if Ana wants to do something she will asked permission first pero ngayon binibigyan niya ng pagkakataon si Ana na gawin ang gusto nito.

"Nothing" Napabuntong-hininga nalang si Calli sa sagot nito. Mukhang nasanay na nga talaga na siya nalang palagi ang magdedesisyon kung ano ang gagawin. Gusto man ni Calli iyon pero alam niyang hindi sa lahat ng pagkakataon ay magkasama sila at hindi sa lahat ng pagkakataon ay siya nalang lagi ang magdedesisyon. Oo nga at matanda siya kumpara kay Ana pero ilang buwan lang naman, 3 months.

"Wala ka bang gusto?" Calli asked again. "Revenge" sagot nito na parang normal lang iyon na pag-usapan. Napatigil sa paglalakad si Calli at napatingin kay Ana na nakatingin din sa kanya. "Nakuha na natin iyon Ana. You already had your revenge" Nagtagis naman ang mga bagang ni Ana sa sinabi nito. Naiyukom din nito ang mga kamao.

"I know marami sila. Hindi ako titigil hanggat hindi sila nauubos"

"That was the last Ana. Wala na tayong nakasalamuhang Black Meister" At masama ang gumanti, iyon ang parating sinasabi ni Mommy hindi ba? Gusto din sanang idagdag ni Calli pero alam niyang napakasensitive na topic ang pag-usapan ang Ina niya para kay Ana.

"So our training was for nothing?"Hindi makapaniwalang saad ni Ana. Nagsalubong din ang kilay niya.

"Listen Ana, our training will be paid off. Maghintay lang tayo ng tamang panahon."

Hindi na nagsalita pa si Ana dahil alam niyang hindi niya matatalo sa usapan si Calli. Pinagpatuloy nalang nila ang paglalakad at hindi na pinag-usapan pa iyon. Hanggang sa makauwi sila at wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Agad na pumunta si Ana sa training area at sinanay ang sarili which she always do after school. Nakatingin lang si Calli sa kanya at ilang sandali pa ay napagdesisyunan niyang sabayan si Ana.

"Let's train"

Agad silang naglaban at hindi makakailang malakas talaga si Ana kung kapangyarihan lang ang pag-uusapan pero kung pisikalan lang ay magkapareho lang sila. Calli is fully aware about Ana's tremendous power. Kapag nageensayo sila ay nahihirapan siya pero hindi niya lang iyon ipinapakita. She wanted to look strong in front of her cousin. Ayaw niyang siya ang ililigtas at ginagabayan nito. Dapat ay siya ang gumagawa ng mga iyon para kay Ana.

"Ikaw lang talaga ang rival ko" wika ni Ana na siyang ikinatawa ni Calli.

"Baliw. Tayo lang naman ang may powers dito eh" napangiti nalang si Ana sa sinabi nito. Pinagpatuloy nila ang laban hanggang sa hindi na sila makatayo pa. Natawa nalang sila at sabay na napahiga sa lupa.

"Let's ditch the ceremony tomorrow"Biglang sabi ni Calli. "That's a good idea"pagsang-ayon naman ni Ana.

"Since you won't attend your own graduation ceremony tomorrow mas mabuting ngayon na tayo umalis" mabilis silang napatayo at ipinalabas ang kanilang mga armas. "Whoah! Kalma lang" the girl raised both of her hands like she was about to surrender.

AnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon