Chapter 18 - Palace

797 50 1
                                    

Calli

Napatili si Daffodil sa sobrang pagkaexcite nang biglang huminto ang karwaheng sinasakyan namin. Ngayong araw kasi ang punta namin sa palasyo at mukhang nakarating na kami. Nang bumukas ang pinto mg karwahe ay mabilis na lumabas si Daffodil at napatalon pa. Napatawa nalang kami sa inakto niya.

"Someone please slap me"aniya pero hindi ko siya sinampal kundi binatukan ng malakas. Sinamaan naman niya ako ng tingin pero nagkibit-balikat lang ako.

"Well at least you are not dreaming"

"Hinaan mo naman. Ang lakas eh. Hindi pa nga nakakarecover ang katawan ko sa ginawa nating buong weekend eh"

Tinawanan ko lang siya saka lumakad na nang tawagin na kaming mga estudyante. Si Professor Bremmer ang kasama namin ngayon dahil siya ang nakaassign sa amin.

"Okay class. Please be on your best behaviour especially you Ms. Jenkins"
sabi pa ni Prof atsaka tiningnan si Daf. Mabilis namang tumango si Daf at sumaludo pa. "Oo naman prof, I won't do anything bad" confident na sabi ni Daf at siyempre kami hindi. Baka maglupasay na ito sa saya pagkapasok sa palasyo at kami pa ang mapapahiya.

"All students please come here" dinig naming sigaw ng isang professor. "Pumunta na kayo" sabi ni Prof Bremmer.

Agad naman kaming pumunta doon sa may malaking gate at nasa harapan si Professor Macovsky. Maldita paring tingnan si Professor Macovsky at naniningkit ang mga matang nakatingin sa lahat ng estudyante. I sigh, ganyan na siguro kapag matanda na. Nagiging mainitin ang ulo.

"Everyone, before we go inside mayroon lang akong sasabihin. Huwag kayong gagawa ng gulo sa loob, ayokong makarinig ng reklamo mula sa pamilya Kingsley naiintindihan niyo ba?" anito.

"Yes Professor" sagot naming lahat.

As I look around, I just realized how big the crowd was. Kung sabagay, lahat ng 2nd to 4th year ay nandito.

"The gate is opening" excited na bulong ni Daf kaya napatingin ako doon. Bumukas na nga ito.

"Everyone go back to your carriages." utos ni Prof Bremmer sa amin kaya nagsibalikan kami.

Each section has different carriages. May mga kulay din ang mga karwahe na nababagay sa mga elemento namin. I can say that the Kingsley family is a rich family, well noble sila kaya oo. Also, sigurado akong ang kayamanan ng Clemence, Devereux and Kingsley ay iisa na kaya mas lalo silang yumaman.

"I'm really excited" I just rolled my eyes at Daf. "We know Daf, paulit-ulit mo na iyang sinasabi" sabi ko sa kanya.

"I know, hindi ko lang talaga mapigilan" aniya.

Napatingin ako sa bintana at ang lawak ng lupain doon. Malayo pa nga talaga ang gate sa mismong palasyo. Kung nilakad namin ito paniguradong aabutan kami ng isang oras. Mabuti nalang talaga at may free ride.

After how kany minutes ay nakarating na kami. Nang makalabas kami ay sinalubong kami ng ingay ng trumpet.

"Welcome to the Palace students of Aesthia Academy" Anang isang lalaki. Ang sosyal naman dito.

Pinalinya kami malapit sa isang malaking pinto at pinaghintay ng ilang minuto. Ilang sandali pa ay bumukas ang malaking pinto at lumabas doon ang isang gwapong lalaki kasama ang isang bata. It's Amelia and she was smiling while looking at me. Kinawayan din niya ako kaya napangiti ako.

AnaWhere stories live. Discover now