Chapter 29 - Noble families and the leagues

774 57 3
                                    

"Ready.....Set.... Get the Flag!"

Mabilis na tumakbo si Alice nang pumito na ang isang professor. Nagsisigawan na din ang mga estudyante at nagche-cheer sa mga gusto nilang manalo. Alice chuckled when she heard Daffodil's high pitch shout. "Manager! Kaya mo 'yan"

Mas binilisan pa ni Alice ang takbo at siya ngayon ang nangunguna sa mga babae. She is almost at the first obstacle. She saw many long lumber of trees standing there and they need to jump on those each. If they failed to balance their selves they would fall into the pointed sharp woods. When she arrived, she immediately jump in each lumbers. Medyo naout of balance siya kaya nagdahan-dahan siya sa pagtalon. Huminga siya ng malalim saka tumalon ulit. Napatingin din siya sa likod at nakikita na niya ang mga kalaban niya kaya kahit nababahalang mahulog ay binilisan niya ang kilos.

Malapit na sana siya sa dulo pero ang mga huling lumbers ay natutumba pero may umuusbong ulit na bago. Ito ba ng sinasabi ni headmistress na hindi ordinaryo? Tanong niya sa isip. Hindi siya makagalaw, ayaw niyang tumalon dahil baka ang tatalunan niya ay matutumba. She needs to think harder and faster.

Habang nakatingin sa mga kahoy na natutumba ay may napansin siya. May pattern ang pagkakatumba ng mga kahoy. Pinag-aralan niyang mabuti ang mga kahoy, ang segundo kung kalian ito matutumba at ang mga kahoy na matutumba. She got it! She finally got it.

She jumps at one of the lumber and counted 3 seconds before jumping to another one and another 3 seconds to jump to another one until she managed to land on the ground. Napatingin siya sa huling kahoy na tinalunan niya, natumba na ito. Napangiti siya, mabuti nalang talaga at trained hindi lang ang katawan niya kundi pati utak narin pagdating sa mga ganitong sitwasyon. She thank Calli for that and a special credit to Daffodil na magaling mag-obserba, sa pagkakaalam niya mahilig din ito sa mga puzzles. She learned everything from them. The obstacle she went through is like a puzzle so she gives credit to Daffodil.

Mabilis ulit siyang tumakbo at nakarating na sa ikalawang obstacle. Gaya ng una, hindi rin ito ordinaryo pero nagawan niya ito ng paraan. Until she arrived at the last obstacle. Medyo mahirap iyon lalo na at sinubok ang galing ng utak nila. In the end, she was able to solve it and arrived at the hill and grabbed the flag. Narinig naman niya ang sigawan ng mga tao.

May hologram na sumulpot sa taas at nakita niya ang sarili na hawak ang flag. May nakalagay din na "Congratulations". Biglang may sumulpot na babae sa harap niya at hinawakan siya. Ilang sandali pa ay nakabalik na siya sa starting line kung saan nakaabang ang ilang professors at ang Headmistress. May dala itong Brooch pins na medyo kalakihan. Napansin din niya ang disenyo nito ay ang disenyo ng logo ng mga Water Masters.

"Congratulations Ms. Zenneth Alice Ruther. Ikaw ang magiging isa sa mga representative ng Water Masters" bati ni Headmistress Mira. Napangiti naman siya at nagpasalamat din. Ibinigay naman ni Headmistress Mira ang Brooch pin na masayang tinanggap ni Alice.

Napatingin ulit sila sa Hologram nang may manalo na sa mga lalaki. It was Peter Hugh who won. Bago pa lang ito pero nagpapakitang gilas na ito. He was teleported back and just like Alice, the brooch was given to him too.

Muli silang bumalik sa kung saan sila naghihintay sa simula ng paligsahan. Sinalubong si Alice ng palakpakan kaya napangiti siya.

"Congrats! Ang galing mo" Fenaia praised her. "Thank you and thanks to Calli's training too and also Daffodil na minsan kinukulit ako sa mga hilig niya" Natawa nalang sila sa sinabi ni Alice.

"Next is The Light Masters!" Napatingin sila kay Ana na tumayo na at walang pasabing lumabas na. Kasama din nito ang ilang participants para sa light master's group. Katulad ng sa Water masters, sigawan din ang sumalubong sa kanila.

AnaWhere stories live. Discover now