Chapter 65 - Haunting Past

576 40 5
                                    

Sayaka and Seth are already in their second form while fighting the higher ups of the Black Meisters. They went inside the palace through the back door and they thought they could sneak right there without being noticed but they are wrong. May nakaabang na pala sa kanila.

"We know the Aesthian people would attack us, we just didn't know when. Ngayon pala" wika ng isa sa mga higher ups ng black meister. Both of them showed their fighting stance, ready to fight. Tumawa lang ang isa sa mga higher ups dahil sa ipinakita nila.

"Ang seryoso niyo naman" anito. Sayaka just gave him a blank stare and proceed to attack. Seth immediately followed her amd attacked the other one. Their enemy fought back with the same amount of power they are releasing. Nanuod naman ang tatlo pang natira.

"They are coming. Hold the enemy as much as you can" dinig nilang wika ni Lance mula sa earpiece na suot nila. Nawala ang pag-aalala nila dahil sa mensahing iyon. They are in the enemy's lair and on top of that, they are outnumbered. If no one will come to help them, they will probably die especially both of them since they are facing strong opponents.

Umatras si Sayaka nang makitang lumiwanag ng itim ang kaharap niya. Sigurado siya, gumagamit na ito ng Black magic. Ilang sandali lang ay napalibutan na ang kaharap niya ng mga demons. Good thing she has Ana's blessing so she can fight the demon's without worrying if she can kill it or not. As she deflect the magic shot at her by the demon, the chain instantly protected her. It came out just as she needed it.

Sumugod si Seth sa isa pang kalaban at lumabas din ang chain niya. His enemy clicked his tongue and jumped backwards. "Kayo na ang bahala sa dalawang noble na iyan. Aalis kami dahil may mga bisita pa tayong dadating." wika ng isa sa mga higher up na nanuod lang. The guy Seth was facing smirked and confidently nodded.

"Prince Seth, pasensya na pero tatapusin kaagad kita. Gusto ko ring kalabanin ang isa sa mga noble na kabilang sa elites dati, isa na doon ang ama mo" anito at kagaya ng kalaban ni Sayaka, lumiwanag din ang katawan nito ng itim at hindi lang demon  ang lumabas. Ito ay nagpalit din ng anyo at naging isa sa mga kinakakatakutang nilalang sa mundo nila.

He transformed just like Hostina did! sa isip ni Seth. Napatiim bagang siya. Paniguradong mahihirapan siyang kalabanin ito. Nanlaki ang mata ni Seth nang biglang mawala ang kalaban sa kinatatayuan nito. Wala pang tatlong segundo ay nasa harapan niya ito at malakas na sinuntok ang tiyan niya dahilan para tumilapon siya.

Malakas siyang napasalampa sa sahig at napaubo pa siya. Agad siyang tumayo at tumalon paatras nang maramdaman na naman ang pwersa nito. Mabuti nalang at naiwasan niya iyon.

"Seth" sigaw ni Sayaka.

"I'm fine. Focus on your own fight" wika niya pabalik. Kahit nag-aalala si Sayaka ay ginawa niya ang sinabi nito. Hindi niya kayang tumulong sa iba kung nahihirapan din siya sa kalaban niya.

"You kids should just give up. You can't defeat us" wika ng kalaban ni Sayaka. She glared at him.

"Mahirap lang kayong kalaban dahil malakas kayo pero hindi kayo imposibleng talunin. We haven't shown what we can do yet. Don't get too overconfident" wika pabalik ni Sayaka. Tumawa lang ng malademonyo ang kalaban niya. "You are a brave young girl Sayaka Kitahara, just like your mother"

Mahigpit na hinawakan ni Sayaka ang katana niya nang banggitin nito ang ina. Lumalabas talaga ang galit niya kapag nasasama ang ina sa usapan. "Hindi ko alam kung naaalala mo pero ako ang pumatay sa ina mo at sa harapan mo pa. That was a sad scene right?" anito at tumawa ulit.

"You piece of sh*t!" Sayaka shouted and her red lightning appeared. She dash towards her enemy and swing her katana aimlessly. Wala siyang pakialam kung natatamaan niya ito, ang importante ay mailabas niya ang galit niya dito.

AnaWhere stories live. Discover now