Chapter 1 - Calli and Ana

2.6K 65 1
                                    

"Callisa Marie, Ana! Bilisan niyo na nga at male-late na kayo sa school" sigaw ni Ayana sa dalawa na nasa kwarto pa at nagsusuklay. "Bababa na po!"sigaw ng walong taong gulang na si Calli. "Eto si Mama talaga, sinabi kong Calli nalang itawag sa akin eh kasi medyo mahaba ang pangalan ko"she mumbled. Napatawa naman ng mahina si Ana na katabi niya lang.

"Mabuti nga at mahaba ang pangalan mo tapos pang-sosyal pa eh iyong akin Ana nga lang"wika ni Ana. Napanguso naman si Calli at napabuntong-hininga. "Kaya nga eh, gusto ko Calli nalang para same tayo na maikli ang pangalan"Ana smiled at her. Calli was always good to her. She always do things that could make her smile that's why she loves her cousin very much. Para sa katulad niyang walang magulang na nakalakihan maswerte parin siya dahil nakasama niya ang Tita Mommy niya at ang kanyang pinsan.

Nang matapos suklayin ni Calli ang sariling buhok ay sinuklayan naman niya si Ana. "Aray Calli, masakit" reklamo ni Ana. "Ako nalang ang magsusuklay sa sarili ko" Ana said while pouting. Gusto ni Calli na siya ang nagsusuklay kay Ana pero dahil nakukyutan siya sa pinsan ay hinayaan nalang niya ito. Tutal espesyal naman ang araw na iyon para kay Ana kaya gagawin nalang niya ang gusto nito.

"Dahil birthday mo naman sige, pero sunod ka agad sa baba ah" Tumango si Ana sa sinabi ni Calli. Bumaba na si Calli at hinanap ang ina na nasa kusina lang at naghahanda para sa agahan nila. She ran towards her mother and hugged her from behind. Calli giggled.

"Goodmorning Mommy"malambing niyang bati sa ina.

"Huwag mo akong daanin sa ganyan Callisa Marie. Late na kayong natulog no?" nakataas ang kilay na tanong ni Ayana sa kanya. She just gave an innocent smile to her mother. She always do this whenever her mother is irritated, sa kanila man o sa ibang bagay.

"Naku talaga! Makukurot ko kayo eh!"

"Hindi mo magagawa iyan kasi love mo kami. Saka pwede ka naming ireklamo ng child abuse at makukulong ka tapos magbabayad ka pa para sa abogado at para sa paglabas mo sa kulungan at mapupunta kami sa ampunan. Hindi mo naman siguro magugustuhan iyon Mommy diba?" wika ni Calli na may inosente paring ngiti. Natahimik naman si Ayana sa sinabi ng anak kahit pa ang sinabi nito ay nakikita lang nila sa TV. Hindi niya akalain na pagsasabihan siya ng sariling anak. "Atsaka Mommy, Calli na nga lang eh"

Napabuntong hininga nalang si Ayana. Wala din naman siyang magagawa dahil nagmana sa kanya ang anak. Kung pagsasabihan niya ito may sasabihin din itong pambawi sa kanya at hindi niya iyon gusto dahil natatalo siya ng anak niya sa sagutan.

"Tita Mommy, sorry kung nalate kami sa pagtulog" Napatingin silang dalawa sa hagdanan at nakita nila doon si Ana na nakasuot na ng uniform. She was pouting while looking at the floor. She looks so cute dahil narin sa matambok nitong pisnge. For Ayana, between the two, si Ana ang pinakamabait at palangiti. Mataas parati ang energy nito para maglaro at mag-ensayo. Minsan iyakin din ito pero nadadala naman ng ice cream. While Calli, she's serious sometimes, also evil but not in a bad way. Medyo tahimik din ito kumpara kay Ana. The two girls are very opposite to each other but that didn't stop them to be close to each other. Ana always had Calli's back and so does Calii.

Hindi mapigilan ni Ayana ang sarili at nasabi ang nasa isipan niya. "Awh! So cute!" nagkatinginan si Ayana at Calli dahil pareho ang kanilang iniisip at sabay pa nila itong nasabi. Calli glared at her mother. Napailing nalang at natawa si Ayana dahil sa inasta ng anak.

AnaWhere stories live. Discover now