Chapter 6 - Music Club

946 43 1
                                    

Mas lalong itinuon ni Ana ang pansin sa librong binabasa para ipakita sana sa kasama niya na hindi siya interesado. Kanina pa sumasakit ang tenga niya dahil sa kadaldalan ng kasama niya. Kanina pa din ito sunod ng sunod sa kanya at mukhang wala talagang balak na tigilan siya hanggat hindi siya pumapayag na sumali sa club.

"Ana, sige na. Sabi ni Lance magaling ka daw and we trust him dahil minsan lang iyon nagco-compliment ng talent"si Fenaia na may dalang pagkain para sa kanya. May dala din itong isang papel na sa tingin niya ay application letter para sumali ng club.

Ana was happy dahil paminsan-minsan nalang siyang kinukulit ni Lance pero itong babaeng ito ay talagang inaraw-araw na. Nagtataka din siya kung bakit alam nito ang pangalan niya pero may hint na siya kung bakit. Maybe that assh*le told her.

"Hindi ba kami magaling kaya ayaw mong sumali? Hindi ka ba nagandahan sa tinugtog namin noong isang araw? Promise magpa-practice na kami araw-araw kung sasali ka" anito at itinaas pa ang isa nitong kamay. Napataas naman ang kilay ni Ana dahil sa sinabi nito. Hindi pala ito nagpa-practice araw-araw? So anong ginagawa nila sa club?

"Annoying" ani Ana kaya napasimangot si Fenaia. Hindi naman sa hindi sila magaling, ayaw lang talaga niyang sumali dahil ayaw niyang may ibang iniisip maliban sa rason kung bakit sila pumasok sa paaralang ito.

"Please, kahit ano gagawin namin" wika ni Fenaia dahilan para ibaba ni Ana ang libro at seryoso siyang tiningnan. "Anything?" tanong ni Ana. Napalunok si Fenaia dahil sa paraan ng pagkakatitig ni Ana sa kanya.

"Ahm, n-not really a-anything. Iyong kaya lang naming gawin" sabi nito at kinabahang tumawa sa bandang huli. Umarteng nag-iisip si Ana at napatingin sa langit. "Hmm"

"Please Ana, kahit ilang buwan lang"pakiusap ni Fenaia. She said that because she is hoping Ana will stay once she will know the members. She intertwined her hands with Ana and closed her eyes like she was praying.

"One month" si Ana. "Ang dali naman, kahit pagkatapos nalang ng Grand Element Tournament. Tiyak na marami tayong performance doon and the days before that."ipinakita ni Fenaia and pinaka-da best niyang paawa face at mas hinigpitan pa ang paghawakap kay Ana. Ilang segundo ding tinitigan ni Ana ang kaharap at napabuntong hininga nalang sa huli. "Fine, but promise you will protect me from all of your fans. I'm not really good at combat" she lied about the last part but she needed to act. Wala nadin siyang choice pa dahil kung hindi siya papayag kukulitin parin siya araw-araw ng mga ito. Her decling their offer would still be useless because they don't accept the word no.

Masayang napayakap si Fenaia kay Ana at napatalon-talon pa. "Okay, see you later sa club room!" wika ni Fenaia at mabilis na tumakbo at naiwan naman siya doon.

Napailing nalang siya at muling binasa ang libro. Nakaupo siya sa bench at tahimik na nagbabasa nang may anino ng kung sino na tumabon sa sinag ng araw. Napatingala siya at nakita ang mga kaklaseng mainit ang dugo sa kanya.

"Ano kaya ang pinakain mo at sunod ng sunod sa iyo ang mga miyembro ng elites?" napakunot noo siya sa sinabi nito. Iyon ba ang tawag sa kanila? Hindi nalang niya ito pinansin. Kilala niya ang babae, base from what she heard from her other classmates, the girl in front of her came from a noble family so she knows why the girl is mad at her. Ayaw nitong may nakikihalubilo sa kapwa nito noble.

Ayaw niya rin na makakita pa ng gulo dahil nangako siya kay Happy at Calli. So she's trying her very best para hindi ito patulan.

"I'm talking to you, you poor weakling" Napakagat nalang si Ana sa sariling dila para mapigilan ang mga salitang gustong kumawala dito. She knows how bad mouthed she is. Galit siyang tiningnan ng babae at ang tatlo pa nitong kasama.

AnaWhere stories live. Discover now