Chapter 68 - Ana

591 33 1
                                    

Parang pantay lang ang lakas ng mga elders at nina Ana at Calli. Alam nina Ana at Calli na marami ng karanasan sa pakikipaglaban ang dalawang matanda at mahihirapan talaga sila pero hindi nila akalaing mas higit pa sa inaasahan nila ang lakas ng mga ito. Nag-ibang anyo din ang mga ito at parang bumata. Kung titingnan ay parang nasa 40 anyos lang ang mga ito. They can also feel the black magic surrounding the elders.

Ilang minuto na ba silang naglalaban? O baka umabot na ng oras pero parang walang kapaguran ang mga ito sa pakikipaglaban at pagtawag ng mga demons. Hindi naman sila nag-aalala sa mga demons dahil kasama nila ang kanilang mga spirits na siyang nakikipaglaban sa mga ito.

Ana took a step back a little and summoned many chains and chased one of the elders while Calli's weapons are also chasing the other one. The elders was just deflecting and avoiding it so easily. Hindi maiwasan ni Ana na mapamura dahil walang kahihinatnan ang ginagawa nila. Mabilis na nag-isip si Calli ng paraan at isa lang ang naisip niya, ang umatake ng malapit. Sinubukan niya iyon at nagawa naman niyang makalapit. She tried punching and kicking but the elder is doing it as well. Nagtagisan na sila ng pisikal na atake.

Si Ana naman ay pinaulanan ng mahika ang kalaban niyang elder hanggang sa masira ang buong silid at nahulog ang mga piraso ng dingding isa ibaba ng palasyo. Nilapitan siya ng elder at sinubukang patamaan ng suntok pero mabilis si Ana kaya agad siyang nakapunta sa taas at pinatamaan ito ng elemento niya. Dahil sa bilis niyon ay natamaan ito at nahulog sa pinakababa kung saan marami din ang naglalaban. Bumaba din siya at inihanda niya ang nag-aapoy niyang kamay saka ito sinuntok. The impact was so strong that everyone around them flew. Ana thought she can land another hit but she felt the elder's black magic grew strong. It created a very strong force. Napayuko pa siya at isinangga ang dalawang braso mula sa pwersang iyon. Tumayo naman ang elder at galit siyang tiningnan pero tumawa naman kalaunan.

"Matagal na simula noong makaranas ako ng ganitong laban. Natalo ako noon pero sisiguraduhin kong mananalo ako ngayon!" anito at mabilis na sinugod si Ana. Naisangga ni Ana ang atakeng iyon pero agad siyang sinipa ng elder sa gilid kaya tumilapon siya. Agad din naman siyang nakabawi at sumugod din ng suntok. Pinaghalo na din niya ang dalawang elemento niya at inatake ito.

Naiwang naglalaban sina Calli at ang isa pang elder na lumaki ang katawan. "Alam ko ang ginagawa mo Devereux, kung gusto mo ng pisikalan ay pagbibigyan kita" anito at mas lumaki pa ang katawan. Calli looked at him with disgust. She can even see the veins from his neck to his arms. His size also doubled forcing Calli to take a few steps back.

"You're a disgusting creature" komento ni Calli na ikinagalit ng elder. Despite his big size, his movement is still fast which surprise Calli. Ilang Segundo lang ay nasa harapan na niya ito at nakahanda ng sumuntok. She tried defending herself using her arms but she didn't expect the strong forces coming out. Mabuti nga at hindi nabali ang kanyang mga braso at natumba lang siya. Umatras siya at ginamit ang elemento niya pero parang insekto lang ito na pinapaalis gamit ang kamay.

There's no way he's immune to physical and magic attack or else I'm really in trouble sa isip ni Calli. Tumalon siya nang gumalaw ulit ang elder at nasuntok nito ang kinatatayuan niya kanina kaya nasira ang sahig papunta sa ibaba. She tried rushing towards the elder and punched him with so much force and the elder fell to the ground floor and it made a crater. Bumaba na rin si Calli at tiningnan ito. Alam niyang hindi lang ito basta matatalo ng ganoon lang at tama nga siya. Nakatayo agad ito at pinunasan pa ang dugo sa labi. But at least she knows that the elder is not immune to physical attacks.

"YOU!" galit na sigaw nito at muli siyang sinugod. Calli evaded it, she already learned her lesson not to defend using her arms. Nang makaiwas siya ay mabilis siyang pumunta sa likod nito at sinipa ito. Kumilos ulit siya at sinipa ito sa may tuhod at sa iba pang parte ng katawan nito. Nagawa niya iyon ng madali dahil sa laki nito. Napasuka nalang ng dugo ang elder dahil sa lakas ng atake ni Calli pero nang patamaan ni Calli ulit ito ng sipa sa mukha ay nakuha niya ang paa ni Calli at itinapon ito ng malakas sa isang gusali. Napadaing naman si Calli dahil sa sakit. The elder grabbed her foot again and throw her above. Fortunately, Sayaka was just on time to catch her before the elder could punch her.

AnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon