Special Chapter

1.1K 60 29
                                    

Calli

Napakunot-noo ako habang binabasa ang isang wedding invitation at coronation na nagmula pa sa ibang continent, ang Mahou continent. Nasa palasyo kasi kami ngayon para bumisita at sakto namang may dumating na sulat. Tito Caius, Mommy and Tita Amanda and their family are invited. Siyempre naexcite ako dahil kung pupunta kami, iyon ang first time na makakapunta kami sa ibang kontinente.

"Mommy, punta tayo" sabi ko. Pati si Ana ay tiningnan din si Tita Amanda at parang nagmamakaawa. Napailing nalang at napangiti si Tita Amanda.

Nasanay na silang lahat sa ugali ni Ana. Sa ilang taon ba naman ang lumipas ay siguradong masasanay nga sila. Ilang taon narin ang nakalipas nang mangyari ang digmaan kontra sa mga black meisters. It became so peaceful. Kahit ang mga nakatira noon sa Black Kingdom ay maayos narin. Ginagawa narin ng paraan ni Tito Caius na mapasama sila ulit sa Aesthia.

"Pupunta naman tayo pero ayos lang ba sa inyo talaga? Mga isang linggo din tayo doon. May pag-uusapan din kasi kami kasama ang mga namumuno sa ibang kontinente." tumango agad ako sa sinabi ni Mommy. I don't care, as long as I can go there, payag ako.

"Won't you miss your boyfriends?" Tita Amanda asked and teased us with her smile. Naikot ko nalang ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Tita. Pinaalala pa niya sa akin ang siraulong iyon. Dalawang araw ng hindi nagpapakita sa akin kaya hindi kami bati. He tried talking to me earlier but I didn't talk to him and I avoided him. Bahala siya sa buhay niya.

Alam ko namang busy siya dahil sa trabaho niya pero kahit tawag man lang o text ay wala siya. Baka nakakalimutan niyang may nobya siyang naghihintay sa kanya. Ako na nga ang nagtext sa kanya pero ni isang reply wala siya.

We are already in our 6th year, ibig sabihin matagal ng promoted si Mikael at naging captain pa siya ng league ng pamilya nila. Levi also became a captain in their league at ayon nga, iyong mga magulang nila ay halos wala daw sa bahay nila dahil parating nasa bakasyon.

Malapit narin naman kaming mapromote and Mommy already told me that I will be promoted as the captain as well. I was shocked since Tito Caine or kahit na sino man sa Clemence at Devereux Family ang pwedeng pumalit sa kanya. I even suggest Ana pero agad na umayaw dahil ayaw daw niya ng responsibilidad. Masaya na nga siyang bumaba sa trono ang pamilya nila eh. Anyway, iyon nga hindi din gusto nina Tito Caine na maging captain ng league dahil gusto nila ay iyong mas bata para daw may matutunan kami. My other cousins are lazy as hell even Caden and they didn't want to be the captain so I had no choice but to accept it.

Peter will also inherit the Oswald league so its fine. Kahit si Lance ay magiging captain narin. My friends are really amazing. Also, masayang masaya si Fenaia dahil sa wakas ay mapopromote na siya sa league namin and also Daffodil and River. Alice chose to be with the Oswald league since nandoon din ang papa niya at mas gusto niya ang mga defense type of league. Okay lang din sa amin dahil magkikita parin naman kami parati. Gail also now served Ana, as a member of the Kingley league and loyal servant, pinili niyang pagsilbihan si Ana. I am actually surprised that Ana is okay with that.

"I'll be staying here Mommy" sabi ni Peter kay Mommy.

"Bakit?" tanong ni Mommy at bigla nalang napasinghap. Baka kung ano na naman ang nasa isip nito. "Buntis na ba si Daffodil at hindi mo maiwan-iwan?" sabi ko na ng aba eh. Kung saan-saan na pumupunta ang utak nito.

"I'm gonna be an aunt again? Pero hindi pa tayo napopromote" dagdag pa ni Ana kaya napasapo nalang ako sa noo ko. Gusto ko tuloy pag-untugin mga ulo nila nang umayos naman sila.

"Hindi po" Peter denied. " May aasikasuhin po kasi ako sa league since sasama din po si Daddy sa mahou continent"

"Ah ganoon ba?" sabi ni Mommy at ngumiti na parang wala lang. Oh Ana said again, yes, we are already an aunt because Ate Happy and Kuya Seth already had a 4 month old child. Wala sa plano nila iyon kaya agad nga silang nagpakasal nang malaman naming buntis si Ate Happy. Nasa tamang edad naman na sila kaya ayos lang din kina Tita Amanda, Tito Freid, Tito Hiro at Tita Megan. Ang bata pa nilang tingnang apat pero mga lolo at lola na sila.

Anaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن