Chapter 15 - Lance's glances

850 44 2
                                    

Lance was always glancing at Ana. Iniiwas naman din kapag napapatingin si Ana sa kanya. He doesn't know what to say, silang dalawa lang ang magkasama ngayon and its suppose to be a perfect time for him to talk and to know more about Ana pero sumapi ang hiya sa kanya kaya hindi siya makapagsalita. Gusto man niyang ituon ang atensyon sa librong hawak ay hindi naman niya maintindihan ang mga nakasulat knowing that Ana is just right in front of her.

"Do you need anything?" Tanong ni Ana sa kanya. Napansin na siguro ang mga patingin-tingin niya. Napatingin naman siya at napalunok. Parang nakain yata niya ang dila niya dahil hindi siya makapagsalita. Kung nandito lang ang mga kaibigan kaya naman niyang magsalita sa harap ni Ana pero ngayong sila nalang dalawa ay nawawala ang mga salita sa isip niya.

"Lance?"

"A-ahm, w-what's your favorite color?" He wants to punch and curse himself. Sa dami ng pwedeng itanong bakit favorite color pa? Kung marinig talaga ng mga kaibigan niya ang sinabi niya paniguradong pagtatawanan lang siya ng mga iyon. Among the four of them, he's the smartest pero kung itapat siya kay Ana parang nabobo na siya.

Kumunot ang noo ni Ana pero sinagot niya na rin ito. "White" She isn't sure now if letting Lance to be with her is a good thing. She thinks that Lance is being weird.

"Ahh" si Lance and he silently curse himself. "After the exam, gusto mo bang kumain? Libre ko" he asked her instead to keep the conversation long. Nagkausap na rin sila kaya lulubusin na niya.

Natahimik sandali si Ana. She's not sure on what to answer. 

"Kung busy ka okay lang may next time naman" bawi ni Lance nang hindi pa rin nakasagot si Ana.

"No it's fine" agad na sabi ni Ana. Nanlaki naman ang mata ni Lance. Well, that turned out well. Masaya siya at pumayag si Ana sa imbitasyon niya.

"Really? It's a date then" masaya niyang sabi.

"Date?" Tanong ni Ana at nagsalubong ang kilay.

Nawala naman ang ngiti ni Lance. Mali ata ang sinabi ko. "I mean, a celebration for the exam" napatango nalang si Ana sa sinabi ni Lance. Maluwag namang nakahinga si Lance.

Natahimik na sila kaya bumalik nalang sa pagbabasa si Ana and still Lance can't focus at the book he's holding. They are supposed to study pero eto siya, natataranta dahil lang sa isang babae na nasa harap niya. She's not just a girl though, she's different, a unique one, iyon ang nasa isip ni Lance.

He sigh, he doesn't have any choice now but to pretend he's reading. Ayaw din naman niyang umalis dahil gusto niya pa itong makasama. Naalala tuloy niya iyong araw na una niya itong nakita.

He always like girls who loves books. Mayroong mga babae naman na nagbabasa sa library nila at tumatambay pero para lang makipaglandian sa kanya. Almost everyone in the academy knows he loves reading books kaya ito din ang ginagawa ng mga babaeng estudyante para mapansin niya and he doesn't like girls who seeks for attention. But when he saw Ana, hindi man lang siya nito tiningnan at seryosong nakaharap sa libro nito. Kaya napapatingin kay Ana ng araw na iyon dahil namamangha siya dito.

"I have a question" nabalik ang isip ni Lance at napatingin kay Ana.

"What is it?"

"Where was the princess last seen?" Tanong ni Ana.

"No one really knows but my mother said she was with the Queen's sister. Pareho silang nawawala ngayon" sagot ni Lance. Napaisip naman si Ana, she asked that question dahil gusto niyang tumulong sa paghahanap para masimulan na nila ang gusto nilang gawin.

AnaWhere stories live. Discover now