Chapter 16 - Examination

828 46 2
                                    

"Please put your things under your chair. Only pen and a piece of paper is needed. Kapag may nakita akong nagkokodigo, lahat kayo ay zero. Understand?"

"Yes Professor" inilagay na nila ang mga gamit nila sa ilalim ng upuan. Tanging ballpen at papel na scratch lamang ang makikita sa desk nila.

Today is the day of their examination. All of them are nervous except for those who are confident enough to answer their exam. Calli was worried about her classmates. Baka kulang pa ang mga itinuro niya sa kanila. Kung mababa ang score nila, partly may kasalanan siya. She promised herself and her classmates that all of them will get high scores dahil tinuruan niya ang mga ito.

"The exam will begin any seconds from now" anang professor na nagbabantay sa kanila at napatingin sa wall clock na inilagay lang para sa exam nila. Nang itinuro ng mataas na kamay ng orasan ang 12 ay saka sila pinagsimula. "Start now"

Agad silang nagsimula nang sabihin iyon ng professor. Halos sabay pa nilang binuklat ang mga questionaire nila at sabay ang mga matang binasa ang unang tanong.






Pagkatapos ng tatlong oras ay natapos na nila ang lahat ng exam nila. Calli was very exhausted nang makalabas siya sa classroom nila. Kasama niya si Daffodil na mukhang nadrain din ang energy.

"I need energy, I need food" tumango si Calli sa sinabi ni Daffodil. Para pa itong nanghihina dahil sa paos nitong boses. Kahit nalilito si Calli kung bakit paos ang boses nito ay sinundan niya lang ito. Pumunta na sila sa canteen at nag-order ng marami.

Nang makaupo na ay agad nilang nilantakan ang pagkain. "Hindi ka na nababahala sa timbang mo?" Tanong ni Calli nang makitang mas marami pa itong kinakain kesa sa kanya.

"Not today. Grabe! Nadrain ang utak ko dahil sa exam. Mabuti nalang talaga at tinulungan mo kami sa pag-aaral dahil kung hindi hinimatay na kami kanina. Ang hihirap kaya ng mga tanong" sagot ni Daffodil sabay kain sa malaking burger niya. Masaya naman si Calli na sinabi ni Daffodil. Akala niya ay kulang pa ang itinuro niya.

"Kinakabahan tuloy ako sa resulta bukas"

"Bukas na iaanounce ang results?" tanong niya.

"Oo, paniguradong sa mga 2nd year ang Air Masters ang magtatop. At si Lance ang magtatop 1 sa buong 2nd year pero pwede ding ikaw" napangiti lang si Calli sa sinabi ni Dafodil. There's one student in her mind that could possibly rank at the top as well and it's her cousin.

"I doubt that" aniya at misteryosong napangiti.

"Eh? Ang talino mo kaya paniguradong magta-top ka"

"Maybe sa top 5 o top 3 pero top 1? Nah, may ilang tanong na hindi ako sigurado sa sagot" she isn't boasting or anything. She really is confident she could be in the top 5 or 3.

"Pero mabuti nalang at iniba na ang ranking ng exam ngayon. Hindi na ipagsasama ang mga score ng 1st year hanggang 6. Every year level na daw ang ranking. Mas malaki ang posibilidad na makaka-angat tayo"

"Talaga? That's good news" Hindi na makapaghintay si Calli sa resulta. Nang matapos sila sa pagkain ay agad silang bumalik sa sarili nilang mga dorm. Pagkatapos kasi ng exam nila ay pwede na silang magpahinga.


















AnaWhere stories live. Discover now