Chapter 70 - Special Day

901 33 10
                                    

Napangiti ako nang makita ang sarili sa salamin. Inayos ko din ang suot ko at napahinga ng malalim. This day is a special day not just for me but also for my family and friends. I'm so happy this day has come. Hindi ko akalaing aabot kami sa ganito. It's been months since the war happened, sure it was sad because we have lost so many lives both the black meisters and Aesthia. Malungkot kami dahil sa nangyari sa mga Aesthian pero hindi magiging sayang ang sakripisyo nila. We will live and be happy for them.

Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok doon. Bumukas din iyon kalaunan at iniluwa doon si Mama kasama si Amelia. "Are you ready?" tanong ni Mama. Tumango naman ako at ngumiti.

"Nasaan si Papa?" tanong ko. "Sinamahan niya ang Kuya mo. He's excited for your brother" natawa nalang ako ng marahan sa sinabi niya. Excited na nga talaga si Papa para kay Kuya at kahit ako din.

"Ate, you look so beautiful" komento ni Amelia at patakbo akong niyakap. Niyakap ko din siya pabalik at kinarga saka hinalikan siya sa pisnge. "You as well Amelia, magkakamukha lang naman tayo". She just giggled and hugged me so tight. "Let's go" sabi ni Mama. Tumango ako at sinundan na siya palabas. Nang tuluyan na kaming nakalabas ay nakita naming naghihintay sa may sasakyan sina Tita Mommy at Calli kasama si Alyana at Cameron. Ibinaba ko si Amelia saka masayang niyakap si Tita Mommy at Calli.

Mabuti nalang at ayos na si Calli ngayon. Noong mga nakaraang buwan ay nagpapagaling pa siya dahil malaki talaga ang sugat niya. Nabutas ang tiyan niya at nahirapan ang mga healer na pagalingin iyon pero ginawa naman nila ang lahat kaya magaling na si Calli. Matagal pero worth it ang paghihintay.

"Miss na miss mo kami? Isang araw lang tayong hindi nagkita" napanguso ako sa sinabi ni Calli. Dahil busy ang lahat para sa preparasyon sa araw na ito ay hindi kami nagkita ng isang araw. It was just one day but it felt like it's been a week. Hindi na nga siguro ako masasanay na wala si Calli sa tabi ko.

"Ate Ana, ang ganda mo, magkasingganda kayo ni Ate Calli" komento pa ni Alyana. Natawa kami ng mahina ni Calli dahil sa sinabi nito.

"Sinali mo lang yata ako para hindi ako magtampo" sabi ni Calli pero tumawa lang si Alyana.

"Tayo na Mommy, excited na ako para kay Ate Sayaka at kay Kuya Seth" sabi ni Cameron kaya napatawa kami. Excited din itong si Cameron para kay Ate Happy at Kuya. Dumating na din si Tito Thomas at si Peter na parehong gwapo sa mga suot nito. "Tayo na" sabi ni Tito. Sumakay na kami sa sasakyan na sina Tita Mommy mismo ang gumawa. Dahil sa bago naming sasakyan ay mabilis kaming nakarating sa academy. Maraming tao doon at halata ang saya sa mga mukha nila.

"Ana, Calli!" napatingin kami sa sumigaw at napangiti nalang kami at kinawayan siya.

Tumakbo siyang lumapit sa amin at niyakap kami ng mahigpit. "I miss you both" aniya.

"Yeah right, Baby flower" napasimangot siya sa tawag ko sa kanya at namula. Napatabon tuloy siya sa mukha. "Ana naman eh, huwag mo nga akong tawagin ng ganyan. Kasalanan ito ni mama eh. Nakakahiya". Tumawa lang kami ni Calli at nagkatinginan.

"Nahihiya ka kasi nandito si Peter?" bulong ni Calli kay Daffodil. Mas lalo siyang namula habang kami naman ay malakas na napatawa. "Ang sasama niyo!"

"Girls, pumunta na tayo doon at magsisimula na seremonya" wika ni Mama.

"Ah Tita Amanda, hihiramin ko muna itong si Calli, Ana at Peter. May pupuntahan lang kami saglit" sabi ni Daf. Daffodil is not afraid to call Mama tita now, noong una ay awkward pa siya pero mukhang nasanay na siya. Iyon kasi ang gusto ni Mama dahil kaibigan ko naman daw sila. Atsaka magulang narin daw ang turing ni Mama sa lolo at lola ni Daffodil kaya okay lang na tawagin siyang Tita. Ganoon din kay Tita mommy na close friend ni Tita Dahlia.

AnaWhere stories live. Discover now