Chapter 9 - School's secrets

846 43 0
                                    

Nakangiting pinagmasdan ni Calli si Alice habang nag-eensayo ito. Hindi siya nakikita ni Alice dahil nasa tagong lugar siya ng training grounds. Wala ding tao doon at ito lang ang nag-eensayo. Calli is happy that Alice is serious about their training.

Napagdesisyunan niyang huwag itong lapitan at umalis nalang. Pupunta nalang siya sa library at tatambay, wala kasi ang professor nila sa oras na iyon. Saka hindi pa siya nakapunta ng library sa buong panahon na nasa academy siya dahil nga confident siya sa utak niya, thanks to Happy and her books.

Nang makapasok na siya sa library ay hindi niya maiwasang mamangha dahil sa laki niyon at sa mga librong maayos na nakapile. May nakikita din siyang mga estudyante na nagbabasa at ang ilan naman ay natutulog. She went to the librarian and ask where to find the book she wants to read. Nang malaman na kung saan ito at pumunta na siya roon at kinuha ang libro.

Naghanap siya ng mesa at mauupuan at may nakita siyang medyo hindi kita ng mga tao. Doon siya umupo at sinimulan na ang pagbasa.

She was reading silently when someone faked a cough. Tiningnan niya ito at medyo nasurpresa siya.

"Can I sit here? Dito kasi talaga ako umuupo"

"Of course" sabi ni Calli. "How are you Calli?" mahinang tanong ni Ana.

"I'm fine. You?" Tanong din ni Calli. Ibinaba ni Calli ang librong binabasa at malungkot na ngumiti kay Ana.

"Fine but better if we are together" napangiti si Calli sa sinabi ng pinsan at hinawakan ang isang kamay nito. "Tiis na muna Ana" nakangusong tumango si Ana.

"Continue reading. Baka may makakita pa sa atin" ipinagpatuloy na ni Calli ang pagbabasa habang kinuha naman ni Ana ang isa niyang libro sa bag niya at nagbasa din siya.

They were quite for awhile pero may bumabagabag sa isipan ni Calli kaya binasag niya ang katahimikan. "Ana?"

"Hmm?"

"Kaibigan mo ba iyong palagi mong kasama?" napatingin si Ana kay Calli at napakunot noo siya. Hindi niya kasi alam kung sino ang tinutukoy nito dahil marami siyang babaeng kilala at hindi din siya sigurado kong mayroon siyang kaibigan doon. "Sino?"

"Iyong palagi mong kasama. Why is she always with you anyway?" Tanong ni Calli habang nakatingin parin sa libro. Ana sigh when she knew whom Calli was referring to.

"Nasa iisang club lang kasi kami and her name is Fenaia. And before you ask sasabihin ko na, napilit lang ako na sumali doon dahil makulit sila. Ilang araw nila akong kinulit kaya pumayag na ako. Lance saw me playing" umawang ng kaunti ang bibig ni Calli sa sinabi nito.

"That's long" Calli was amazed dahil medyo mahaba na ang mga salitang lumalabas sa bibig ng pinsan. Calli thought that maybe Ana joining that club is a good thing for her. "Ipagpatuloy mo nalang iyan" tumango lang si Ana sa sinabi ni Calli.

"Ana!" Napatingin silang dalawa sa sumigaw at nakita si Fenaia kasama ang tatlong lalaki. Masayang napatingin si Lance kay Ana, Mikael was glaring at Calli and Levi was amused.

"Hi Ana, and you too Miss" pagbati ni Lance.

Napasinghap si Fenaia nang makilala si Calli. "OMG, ikaw yung girl noong last week. Calli right?" Calli nodded at Fenaia. Umupo naman si Fenaia sa tabi niya. Feeling close ito ng kaunti. Lance sat down beside Ana. Umupo narin si Levi sa tabi ni Fenaia kaya umusog sa dulo si Calli. Ganoon din ang ginawa ni Ana dahil umupo narin si Mikael katabi ni Lance.

AnaWhere stories live. Discover now