Chapter 12 - The little princess' reason

804 48 0
                                    

Calli

Nasa may gate kaming mga estudyante dahil pinatawag kami lahat dito. May dadating daw kasi kaya eto kami. Ang sabi ni Daf ay ang Music Club daw mismo ang nagsundo sa importanteng taong iyon.

We waited for minutes at pagdating nila ay sinalubong namin sila. Mabilis silang bumaba at linapitan ang headmistress. Katabi din niya si President at Vice President kasama ng iba pang miyembro ng student council.

"Maligayang pagbabalik and welcome Princess Amelia" bati ni Headmistress saka tiningnan iyong bata na kasama nung Fenaia. Mukhang takot na takot ito. Siya ba ang sinasabing importanteng tao na dadating? And she's still treated as a princess kahit na bumaba na ang pamilya nila sa trono? These people are confusing.

"Daf? She's a princess?" Bulong ko kay Daffodil. "Siya ang bunsong kapatid ni President Seth" bulong din sa akin ni Daffodil.

I saw Mr. President glaring at the kid. Grabe naman ito kahit bata ay hindi pinapalampas sa pagkamasungit niya at kapatid pa niya.

"Mom, now is not the time for that. Naiwan si Ana doon habang nakikipaglaban sa mga Black Meisters. She did that para makatakas kami doon." Sabi ni Lance kaya nanlaki ang mata ko. She did what? Nagpaiwan para makatakas sila? Hmm dapat anytime nakasunod na siya. Ano kaya ang binabalak ng babaeng iyon?

"Ano? What happened?" Tanong ng headmistress.

"Alam nila na dadating ang prinsesa at mukhang naghintay pa sila doon" sagot ni Lance. I need to go outside and look for Ana pero hindi kami pwedeng lumabas. I know she can take care of herself pero baka anong magawa niya sa mga iyon at magtaka ang ilan.

"Pupuntahan ko nalang siya" sabi ni Vice President Sayaka pero pinigilan siya ni Mikael.

"Sandali lang. Ang sabi niya susunod siya" anito.

"Let's just wait for her at kapag hindi siya nakabalik ngayong gabi. We'll sent someone to look for her tomorrow" sabi ni Headmistress. "Bukas pa?" Tanong ni Lance na halatang hindi sang-ayon sa sinabi ni Headmistress. Mukhang may tama talaga ito kay Ana. Grabe ang pag-aalala sa mukha niya.

"Hindi ko alam kung bakit ka pa pinayagan nina Mama na pumunta dito. Bakit ka ba kasi nandito? Tingnan mo ang nangyari! May estudyanteng nanganganib ngayon dahil sayo" galit na sabi ni President sa bata kaya napayuko ito.

"Huwag mong sigawan ang bata Seth" suway ni Vice President sa kanya. "Nangyari na ang nangyari. Wala na tayong magagawa" dagdag pa nito.

"Kung bakit pa kasi pumunta dito edi sana walang problema" hindi talaga nagpapigil si President. Tahimik lang kaming lahat na estudyante dito dahil sa kanya. Galit talaga ito at naaawa ako sa bata.

"Sorry" iyak ng bata. Mas lalo itong umiyak nang makitang hindi parin humuhupa ang galit ni President. Kitang kita talaga sa mukha niya. Actually this is the first time I've seen him with this kind of emotion.

"Your sorry won't save the student"

Humihikbi na ang bata at lumakas ang iyak nito. "Saan ba ninyo iniwan si Ana?" Tanong ni Vice President Sayaka kina Fenaia.

"Malapit sa border" sagot ni Levi. Sa itsura nila ngayon mukhang galing din sila sa pakikipaglaban.

"Stop crying Amelia!" Sigaw ni President kaya nabigla kaming lahat.

AnaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang