Chapter 51 - Number 1 team

655 39 4
                                    

Calli

We made it to the top 4. Honestly, it was so hard to get to the top 4. Magagaling din kasi ang mga naging kalaban namin. Hindi ko alam na marami pala talagang magagaling na estudyante hindi lang dito sa Academy pati narin sa ibang school. I admit, I underestimated them.

"So far, our strat works but I doubt it will work this time" wika ni Annika. Tama siya lalo na at apat nalang kaming natira. The other 3 groups are also good and they already have many experience. Lalo na sina Karen.

"Let's just observe them first. Makakagawa din tayo ng bagong strategy" sabi ko. Iyon lang ang magagawa namin sa ngayon.

"Ang grupo na nina Karen ulit ang maglalaro. Look at Megumi, she's actually confident that they will win" komento ni Fenaia. Tiningnan ko sila at confident nga sila. They are all smirking like they already know they will win.

"Nah, kalaban nila ang top 2 best female Aeras team ng Aesthia. There's a chance of them losing the game." singit ni Lance. Nacurious tuloy ako. Pang-ilan ba ang team nina Karen sa pinakamagaling na team ng aeras game?

"Who's the top 1? We already defeated the top 3 and the team Karen's group is against with is the top 2, so which school is the top 1?" tanong ko. Malakas na napabuga ng hangin si Fenaia at itinuro ang isang team na di kalayuan sa amin.

"Them, the Academy for Ability Users. Ang makakalaban natin" naramdaman ko na parang nanghina si Fenaia nang sumagot siya. Mukha siyang nawalan ng gana.

"Nahirapan nga tayong makarating sa top 4 mas mahihirapan tayo sa top 2." dagdag pa ni Alice. Ganoon nga ba sila kagaling sa Aeras game?

And I just noticed. They are all ability users. Bakit kaya walang tournament ang mga ability users sa academy namin? These guys are so good ano pa kaya ang sa academy. Headmistress should make a tournament for ability users only next time at kami naman ang manunuod. Sa tingin ko masaya iyon. Seeing different things other than using elements. I do think the element masters are boring. Mas unique pa nga ang mga ability users eh.

"Nagsimula na"

Itinuon ko ang atensyon ko sa laban. Simula palang ay agresibo na ang team nina Karen. Masyado silang hayok sa puntos. Ang kabilang team naman ay kalmado lang pero nakapuntos parin. Iba talaga kapag may experience na. Though Karen's team already has experience, they are still acting like newbies, so immature.

Their game was so intense. Agad nakapuntos ang magkabilang team.
Kalaban ng team nina Karen ang Maeginns. They are so good and so calm while fighting Karen's team. Nakita ko namang nafufrustrate na si Karen.

The audience was also enjoying the game. Hindi ko na nga marinig ang commentator dahil sa sigaw nila.

Minutes later, leading parin ang Maeginns. I saw how Karen glared at their opponent. She then called a timeout. Nang matapos ang timeout, may tatlo silang pinalitan na players.

Napakunot noo ako. Why would they do that? Ilang minuto nalang ang natitira at ang players na tinanggal nila ay best players nila.

"They are up to something bad. I can feel it" sabi ni Daffodil. Napaisip naman ako kung ano iyon. They can't cheat games like this.

Nagsimula muli ang laro nila. Walang pag-aalinlangan na binangga ng isang kasama ni Karen ang isang player sa kabilang team dahilan para mahulog ito sa lupa. The referee called a foul on Karen's team. Tinawag ulit ang isang kasama nila para palitan ang bumangga sa maeginns player.

The game paused again. May mga healer na pumunta sa gitna ng field at tiningnan ang player na nahulog. The healer signal the referee that the player can't continue to play.

AnaWhere stories live. Discover now