Chapter 58 - Prophecy, A Mendacity

705 39 4
                                    

Nasa mansion ni Sayaka sina Calli, Alice at River. Tahimik silang apat habang nakaupo sa sarili nilang upuan. Hindi naman makatingin si Sayaka ng deretso kay Calli. Kinakabahan siya dahil malaki ang posibilidad na galit ito sa kanya.

Tumikhim si Alice kaya napatingin sila sa kanya. "Siguro mag-usap na muna kayong dalawa. Aalis na muna kaming ni River" anito at hinila si River paalis. Naiwan naman sila na tahimik parin.

"Kailangan ba talagang ako ang unang magsalita Ate Happy? Deretsuhin mo na ako, ano ba talaga ang nangyari noon?" malamig na wika ni Calli. Napalunok naman si Sayaka dahil maliban sa malamig nitong tinig, matalas din ang tingin na ibinibigay nito sa kanya. Alam niyang dadating ang panahon na ito at akala niya handa na niyang harapin ang galit ng dalawa pero hindi pa pala. Natatakot parin siya na kamuhian ng dalawa. Kapatid na ang turing niya sa dalawa at masakit para sa kanya na galit ang mga ito sa kanya.

"What you saw back then was just an illusion made by Tita Reine." Panimula ni Sayaka. 

"That's why she said sorry the first time we met" wika ni Calli nang maalala ang araw na iyon.   

"I asked her to do that so please don't hate her. Hindi ko kasi alam kung babalik pa si Tita Ayana o wala na siya. Ayoko naman kayong paasahin na babalik pa siya na wala namang kasiguraduhan. Honestly, I was feeling so guilty dahil parang kinuha ko siya sa inyo, ang nag-iisang pamilya niyo"

"Is that the reason why you stayed with us?" tanong ni Calli.

"At first yes but as years goes by, I already treated you as my sisters. I did my best to make you guys feel like you are with your family" Sayaka said with sincerity in her voice. 

Huminga naman ng malalim si Calli. She knows Sayaka was doing what's best at that time but she can't avoid the feeling she has right now. The feeling of knowing that someone hid some secrets that involves with her and Ana. 

Maraming nangyari sa nakalipas palang na mga buwan at pinoproseso pa ng utak niya ang mga bagong nangyari. Una, pinnaniwalaan nilang patay na ang ina niya dahil iyon ang nakita nila pero ilusyon lang pala iyon. Ikalawa, kapatid pala niya si Alyana at hindi man lang niya alam at may kakambal pa ito.

"I'm not gonna lie ate Happy, I am mad. All these years you made us believe she's dead but I know you didn't know she's still alive at hindi mo iyon kasalanan. Atsaka bata ka pa noon kaya naiintindihan kita. Wala rin naman akong magagawa dahil nangyari na iyon. Now, I just feel like I lost motivation. Me and Ana, we are doing this for mommy but it turns out she's alive. Maybe it's time to change my inspiration, I will make my entire family an inspiration. Do you think it's a good one?" tanong ni Calli kay Sayaka at napangiti sa huling sinabi.

Hindi naman makapaniwala si Sayaka dahil akala niya pauulanan siya ng masasakit na salita ni Calli. She thought she would be hated by her. "Hindi ka galit sa akin?" naluluhang tanong niya.

Umiling si Calli. "Of course not, at first yes pero hindi ko kayang magalit sa iyo ng matagal and are you crying?"

PIlit na pinipigilan ni Sayaka ang mga luha niya. Para siyang nakahinga ng maluwag. Iba ito sa naisip niyang magiging reaksyon ni Calli. Dahil sa saya ay napayakap pa siya dito. "I thought you're gonna hatae me" iyak nito. Tinapik-tapik naman ni Calli ang likod nito.

"Gaya nga ng sabi ko, hindi ko kaya iyon. Stop crying Ate Happy, you are suppose to be happy diba?" napatawa si Sayaka at pinunasan ang mga luha niya.

" Bumalik na kayo sa Academy, hinahanap ka na Sayaka" dinig nilang wika ni Reine. Nagkatinginan naman sila at ilang sandali lang ay bumalik na sina Alice at River.

AnaWhere stories live. Discover now