Chapter 59 - Home

711 40 0
                                    

Nakahanda na sina Ayana para umalis sa tinutuluyan nila. Panahon na para bumalik sila at tumulong. Iba parin kapag may mga kasama kang tumutulong sa iyo. Iyon ang napagtanto niya. Akala niya ay kaya niyang itigil ang laban na ito ng siya lang pero mali pala siya. She needed help. She can't do it by herself.

Nakahanda na sila pero may isa pa silang problema. Wala pa silang nakikitang ligtas na lugar para sa mga bata. "Ayana, I have a suggestion" tawag ni Louise sa kanya. Napakunot noo naman siya.

"Ano iyon?"


"Ilang araw na tayong naghahanap ng matutuluyan ng mga bata pansamantala at may isang lugar na  sa tingin ko ay ligtas at walang makakapanakit sa kanila." anito. Naging interesado naman siya kaya hinayaan niyang magpatuloy si Louise sa pagsasalita. "How about we take them to the world you, Callissa and Anastasia lived?"

"World 26 that Ate Mai was talking about?" tanong ni Caius. Tumango naman si Loiuse. Hindi man lang pumasok sa isip ni Ayana ang mundong tinirhan niya ng ilang taon.

"Pwede, we just need to find someone who can take them there" wika ni Ayana.

"How about Sayaka, Ate Mai's daughter? Diba siya ang nagbalik sa iyo dito?" suhestyon ni Caius. Sumingit naman si Alex. "Pero sabi nila Annika na hindi na daw ito nakabalik doon"

"I know someone from the league who can make portals too" sabi ni Ayana.

"Then let's go now"

Tumango sila at inilabas nina Ayana ang isang sasakyan na sila mismo ang gumawa. Malaki iyon kaya kasya silang lahat doon at sinigurado nilang ligtas ang magiging byahe nila. They equipped the vehicle with sensors to alert them if they are in danger. They also put some weapons in case someone will attack them.

"Mommy, where are we going?" tanong ni Cameron sa ina. "We are going to see Daddy and Alyana, Cam" sagot niya na ikinangiti ng bata. Cameron giggled and hugged her mother so tight and even kissed her cheeks multiple times. Napangiti naman si Ayana. 

Pumasok na silang lahat at binuhay ang sasakyan. Umupo narin sina Caius at Alex sa mga upuan na para sa kanila. They are in charge of the technical area of the vehicle while Ayana is in charge at the wheel. May mga pinindot sina Caius at Alex saka tuluyang umandar ang sasakyan. Si Louise naman ay nakastand-by lang sa may controls ng mga weapon para sakaling may kalabang umatake sa kanila ay madali niya itong magagamit.

"Caden, contact your sister. Tell her we are coming" tumango si Caden sa sinabi ng ama at umupo rin sa isang section na tinatawag nilang Communication Section ng sasakyan.

"Ayana, everything is ready" wika ni Alex. Ayana then made the vehicle move forward and flew it high in the clouds.












Samantala, nanlaki ang mga mata ni Calliope nang kontakin siya ng kanyang kuya para sabihing paparating ang mga ito. Agad siyang nagbihis at tumakbo papunta kina Amanda. Nakasalubong pa niya si Annika na nagtataka at nakitakbo narin kasama siya. Hinihingal pa sila nang makarating.

"Bakit kayo nagmamadaling dalawa?" tanong ni Amanda. Sinubukang magsalita ni Calliope pero dahil hinihingal siya ay hindi siya maintindihan ng lahat.

"Huminga ka muna ng malalim Calliope" wika ni Amanda. Binigyan naman siya ng tubig ni Freid at ininom niya iyon.

"Salamat po tito. Anyway, Tita they are coming."

Napakunot noo silang lahat. "Who's coming?"

"Tita Ayana and our parents"






Calli

Isang linggo ang nakalipas simula nang makuha nina Hostina ang mga totems. Patuloy parin ang mga atake nila pero ginagawa namin ang lahat para mapigilan sila. So far, we managed to defend our land but I know we can't keep this up. They have advanced technology than us, I wonder where they get that? If only we can distribute the machines me, Ate Happy and Ana invented but now is not the time. Kung handa na ang lahat, ibubuhos namin lahat ng kung ano man ang meron kami.

Also, I don't understand why Hostina and the black meisters are still not using the totems. Are they still preparing for it? Ang magagawa lang namin ngayon ay ang maghintay. Kapag nagawa na nilang gamitin ang mga totem doon na kami gagalaw. I won't let them control the demons they will summon. I will make sure of that.

"Calli, Tita Dahlia just contacted me. Malapit na daw" sabi ni Ate Happy na bago lang dumating. Tamang tama, kanina iniisip ko lang na hindi pa handa ang lahat pero malapit na pala silang matapos.

Nasa student council kaming dalawa dahil alam naming wala ng masyadong tao na nagagawi dito. Ang mga natitirang mga estudyante na parte ng laban ay nasa fields ngayon para sa training nila. They are also testing the weapons the other nobles tried to make. Sina Alice naman ay kasama nina Headmistress dahil minsan ay binibigyan sila ng misyon. We are supposed to be there but we chose to ditch it. Hindi naman kami nag-aalala dahil tatawagan lang kami nina Alice and we will be there in a second.

"Nice. Do you think we can activate it before they use the totems?" tanong ko.
"I sure hope so" Ako rin. Sana naman ay matapos na sina Ana sa ginagawa so I can activate it before the black meisters use the totems and summon the demons.

AnaWhere stories live. Discover now