Hindi gugustuhin ng Diyos na ika'y sumuko

58 0 0
                                    

And let us not grow weary while doing good, for in due season we shall reap if we do not lose heart.
Galatians 6:9

Siguro hindi lang ako.
Marami tayo.
I have so many plans in life. Lalo noong nag-aaral pa lang ako. Kayo rin, alam ko.
I had to set my own timeline kasi I was really into it. Gusto ko lahat ng plano ko sa buhay, masunod.

But nothing happened. Kahit isa sa timeline na ginawa ko, walang nasunod.

I had to give up some. Because many painful things happened. And priority changes.

Marami tayong pangarap sa buhay.
Gusto natin maka-graduate sa kolehiyo.
Gusto natin magkaroon ng magagandang marka. Because good grades means good life.
Gusto natin paka-graduate trabaho agad kasi babawi pa tayo.
Gusto natin while we are working, longer life pa sa magulang natin kasi sila naman ang rason bakit determinado tayo.
Gusto natin mag-travel kasama mga mahal natin sa buhay.
Gusto natin ibigay lahat ng mga bagay na hindi nakuha ng mga magulang natin.
Gusto natin makapagpagawa ng mansyon.
Gusto natin magka-auto.
Gusto natin umasenso.
Gusto natin paghandaan ang pagpapamilya.
Gusto natin iparanas sa mga anak natin ang magagandang bagay na hindi natin naranasan.
Gusto natin ng maraming ipon para wala tayong problema sa pera.
Gusto natin lahat ng magagandang bagay sa mundo kasi gusto natin maging masaya kapalit ng mga paghihirap na naranasan natin.

Kaso nakakapagod eh.
Nakakawalang gana.
Ang hirap.
Kahit mga bituin, hindi na matanaw.
Nawawalan tayo ng pag-asa.

Siguro dahil,

May propesor na walang konsiderasyon.
May kaklaseng makasarili.
Kaibigang naninira.
Kapatid na ang tingin sayo mababa.
Magulang na nagsasabing wala namang pag-asa.
Pamilya na kaniya-kaniya at nag-iingitan.
Walang ibang nasasandalan.
Katrabahong puro mali ang napupuna.
Pamilyang lahat sayo inaasa.
Mga taong tingin sayo'y walang kwenta.

Sa dami ng plano at gusto, bigla ka na lang nawalan ng bala na isasanggala sa laban.
Lalo pa't nakikita mong sila, nagtagumpay na, tapos ikaw, napag-iiwanan na. Kasi wala eh, kailangan mong unahin sila kaysa sa sarili mong inaasam na tala.

Pero alam mo ba?
Okay lang 'yan. Kung hindi pa sang-ayon ang mundo sayo.
Kung hindi pa marinig ng bathala ang minimithi mo.

Kasi sa lahat ng makamundong inaasam mo, mas mahalaga pa rin ang mga kabutihang ginagawa mo sa iba kaysa unahin ang sarili mo.

Proud sayo ang Diyos at gusto Niyang sabihin sayo na huwag kang sumuko. Huwag kang mapagod sapagkat ibibigay Niya ang panahon na ikaw naman ang papakitaan sa mga bituing akala mo, natabunan na ng mundo.☺️

VERSES (THE LORD WANTS TO TELL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon