To Please Him and Not People

52 0 0
                                    


For am I now seeking the approval of man, or of God? Or am I trying to please man? If I were still trying to please man, I would not be a servant of Christ.

-Galatians 1:10

Sa dinami-rami ng kagustuhan at pangarap ng puso natin, gaano tayo kasigurado na patungo ito kay Kristo? Gaano tayo kasigurado na lahat ng ito ay plano Niya rin at gusto?

Since I'm turning 24 this year, I will be happy to share with you my own timeline in life. Let us see kung may pagkakaparehas tayo in any way.

Hayskul ako, wala talagang konkretong plano. Go with the flow. I was not born with a silver spoon. Kaya hindi talaga ako umaasa na may maganda pang mangyayari sa akin. (By God's grace kaya mayroon ako ngayon ng sinasabi nilang 'pinagyayabang ko na' raw)

Nagsimula ang timeline ko nang magkolehiyo. Ito 'yung tunay na step 1. Ang makapagtapos ofc.

*Grumadweyt sa kolehiyo with flying honor

*Makapasa sa LET at mag-top

*Makapasok sa DepEd at first try in ranking

*Punan lahat ng responsibilidad sa pamilya

*Quality Time with Parents

*Makapagpabahay at the age of 23

*Travel time starts at 24

Lahat ng 'yan ay plano ko. Sobrang dedicated ako sa mga 'yan pero aminado akong plinano ko 'yan without God's consent. 'Yung planong 'kahit anong mangyari, gagawin ko 'to, walang makakapigil' kasi gusto ko eh. Sabi kasi kapag isinapuso ang mga gusting gawin, mangyayari.

But when God started His plan for me, everything has its own plot twist.

*Grumadweyt sa Kolehiyo with just Acad Distinction

*Nakapasa sa LET pero hindi nag-top

*Nakapasok sa DepEd pero 2nd try

*Punan ang responsbilidad pero hindi lahat

*Quality Time with Self

*Makapagpabahay sa cellphone (Puro kasi saved layout)

*Travel sa kwarto, kusina, cr, Tiyo Boleng, trabaho

Sa una, I doubted God. Tinanong ko Siya kung bakit wala man lang natupad sa mga plano ko ni-isa. But when I started accepting Jesus, doon ko naisip kung bakit lahat ng plano ko ay hindi umayon sa plano Niya para sa akin.

Because God says, I was pleasing myself and other people, not Him.

But you know what's an amazing about my unsuccessful plans?

Ang makamit ang proteksiyon at MAS magandang plano Niya.

*He didn't let me have a flying honor but He made sure I have high general weighted average in my transcript.

*Naipasa ko ang LET kahit hindi top pero may mataas na ratings plus He gave me an opportunity to work as an Instructor I in College and got to met my students there.

*Although my 1st attempt in DepEd failed, He made sure I made it to top in my 2nd try.

*Sa usaping fam responsibilities, He taught me that I am not in control of everything and that I have Him.

*Quality Time with Parents na naging Self because Inay died early and Itay didn't chose to be with me but He is still undeniably here with me at all times. Yes, proof why I am still sane.

*Makapagbahay at makapag-travel, well, it's because He wants to teach me that everything has its own timing at hindi ko kailangan ma-rush just because I was pressured or what. I only have to trust Him.

That was the time that I came to realize what's my purpose in life is.

At ito ang mabuhay nang nakaayon sa plano Niya at ang maglingkod sa Ngalan Niya.

Kaya everytime na nakakarinig ako ng negatibong bagay tungkol sa mga achievements na ibinibigay ng Diyos sa akin, mas lalo ako nagiging mayabang sa pandinig at mata nila.

But God knows I only have Him. At kung may maipagyayabang lang din ako, 'yun ay kung paano ako binago at ginagamit ni Kristo para sa kaluwalhatian Niya.

Maniwala ka kapatid, mas nakaka-proud marinig at masabihang may Kristo kang kilala at humahanga sila sayo kaysa ano pang bagay na pagpupuri na makukuha mo sa mga tao sa paligid mo.

Ang pagpupuri Niya ang mahalaga at hindi ang nagmumula sa iba.

VERSES (THE LORD WANTS TO TELL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon