Be prepare

247 4 0
                                    

Mateo 24:44

Kaya maging handa kayong lagi, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na di ninyo inaasahan.

Imagine this now; Jesus came back. Jesus shows up at this moment. 
Pero isa ka sa nilagyan ng evil numbers. It only shows na hindi ka Niya isasama sa kaharian ng Ama. 
Nagkakaroon na ng paghuhukom at hinukuman ka na.
Hindi ka Niya kinilala.
Hindi ka Niya iniligtas.
You failed to enter the kingdom of God.
You fell instead in hell.

Kapatid, how does it feel? 
Masakit na hindi pinipili diba?
Masakit na tinatalikdan.
Masakit na hindi kinikilala.
Masakit na hindi ka niligtas.

Ganiyan ka kay Jesus diba?
Ilang beses mo siyang ginawang second option? 
Madalas nga wala kang pakialam sa Kaniya diba? Kasi alam mo na kahit hindi mo siya priority, pinapatawad at pinapatawad ka pa rin Niya.
Ilang beses Siyang nagsabi na siya naman?
Na siya naman ang intindihin mo?
Hindi naman siya nagpapahabol saiyo pero nagawa mo bang magstay sa kaniya?
Ilang beses ka na umiyak sa Kaniya?
Paulit-ulit diba?
Pinili mo ba siya?
Sabi niya: Anak, ako naman. Mahal na mahal kita.
Pinakinggan mo ba?
Oo, tinatawag at nilalapitan mo siya.
Pero diba madalas kapag problemado ka?
Ni-thank you ba nababanggit mo sa bawat araw na gumigising ka?
Sa bawat oras na kumakain ka?
Sa bawat pagkakataon na nakangiti ka?
Naalala mo man lang ba siya?

Ilang beses ka na nahulog sa makasalanang gawi at inulit-ulit mo pa?
Sabi ni Jesus: Anak, iwawasto kita. Sumunod ka lang sa akin.
Ginawa mo ba? Diba isa ka rin sa taong kampante porke alam na mapagpatawad ang Diyos?

May mga pagkakataon na gusto ni Lord God na ipakilala natin Siya sa iba. Ginawa mo ba?
O baka isa ka rin sa ikinahiya ang pangalan Niya?

Gusto mo palang mailigtas pero bakit kung kailan noon may pagkakataon ka, hindi mo siya kinilala?

Kapatid, imagine pa lang. Hindi pa totoo.
You have NOW to change and follow Jesus. 
Huwag mo na sanang hintayin na mangyari pa 'yan.
Walang nakakaalam kung kailan siya babalik.
Mas mainam kung always ready.
Huwag nating hayaan na manghina ang kapit natin sa kaniya at magpadaig tayo sa tukso.
Kasi baka habang natutukso tayo, saka ang pagdating niya.
No one knows when except God.

Paghandaan natin ang pagpasok sa kaharian ng Diyos.
We should prove to God that we deserve His everlasting love.

Yes binigyan tayo ng free will.
Free will to choose the path na daraanan.
Then at least, use the right one.
Pwedeng magkamali.
Kasi nga mapagpatawad si Lord God.
Kailangan mo lang magbago.
But do not overstay sa lugar na hindi Niya kinalulugdan. 
Ikaw rin, si pagsisisi, tandaan na laging nasa huli.

VERSES (THE LORD WANTS TO TELL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon