Huwag ka sanang mapagod na maging isang mabuting tao

52 0 0
                                    

And let us not grow weary of doing good, for in due season we will reap, if we do not give up.

-Galatians 6:9

There are times I tried choosing myself and called it self-care but will end up torturing my conscience instead.

Feels like "Ba't ang laking kasalanan na piliin ko ang sarili minsan?"

Minsan, kahit gaano ka kabuting tao, kahit gaano mo kabukal sa loob magbigay at gumawa nang mabuti sa iba, dumarating talaga sa punto na mapapagod ka.

Mapapagod kang maging mabuti.

Mapapagod kang umunawa.

Mapapagod kang magbigay nang magbigay.

Mapapagod kang unahin ang iba at isantabi ang sarili nang paulit-ulit.

Lalo when you feel unappreciated. Maiisip mo na nakakaubos naman pala talaga.

But you know what's the real deal?

It's when you feel wanting to prioritize yourself too but you'll find yourself again in the middle of nowhere, keep doing the same old good deeds for others.

Na kahit ayaw mo na, when they need you, you will always willing to open your arms wide for them. Kahit pa hindi ka nila matagpuan sa mga panahon na masaya sila.

Bilib ako sayo. Nakakabilib ang tapang mo na piliing maging mabuti kahit sobrang nakakapagod na.

Bilib ako sa tapang mo na isantabi ang sarili para sa kasiyahan ng iba kahit pa hindi nila makita ang sakripisyo na iyong ginagawa.

Bilib ako sa tapang mo na kahit ubos na ubos ka na, hindi mo magawang sumuko dahil alam mong ikaw lang ang mayroon sila kahit pa wala kang kahit sinoman sa kanila.

But you know what? There's someone up there who is really proud seeing you keep doing good things in life.

Maniwala ka, iyan ang gusto Niya.

Hindi ang pahirapan ka kundi ang gamitin kang instrumento sa mundo upang ipakita sa iba na kahit pa nakakaubos na, may tao pa ring katulad mo. Sapat para ipakita ang kabutihan ng Diyos sa tao.

Ituloy mo lang ha. In His time, kapag ayos na ulit, marerealize mo na lang na maganda lahat ng nangyari at balang araw, ipagpapasalamat mo sa Panginoon lahat ng nararanasan mong hirap at sakripisyo ngayon.

Hindi pala totoo na kapag ubos na ubos ka na, hindi ka na makakabigay pa.

Ang totoo kasi, hangga't may Diyos ka na inaasahan, maubos ka man, ngunit hindi ang magagandang plano Niya sayo at sa mga taong nakapaligid sayo. He can turn tables.

Kailangan mo lang talagang magtiwala.

'Yung buo at totoo. Kaya sana, tapangan mo pa lalo.

VERSES (THE LORD WANTS TO TELL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon