Itabi mo! Si Lord nang bahala sayo

80 0 0
                                    

Sinabi sa kaniya ni Hesus, Di baga sinabi ko sa iyo, na, kung ikaw ay sasampalataya, ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Dios?
-Juan 11:40

I have these stories to tell.
I often asks myself how deep is my faith to God.
May mga araw na I would doubt myself kasi I felt so far in His presence.
But everytime I encountered 'yes/no' decision making, I always run to Him. And that made me so near unto His arms again.

Have you ever felt that?
Na kapag nasa alanganin na sitwasyon ka, you would always cry and realize you have no control over it.
At ang mga moment na ganiyan, will always be my favorite in life.
Because I always run to Him.
Kasi alam ko na wala akong control.
Kasi alam ko na He holds the future.
Kasi alam ko na kapag sa Kaniya ako lumapit, sure win agad ako.

May mga instances sa buhay natin na we became selfless for other people. Pero dahil may Diyos tayo, panatag tayo.

May mga oras na ubos na ubos na tayo but at some point, we can still give to others especially if they are in need kahit alam natin sa sarili natin na wala nang matitira sa atin.
Hindi tayo takot maubusan.

Kasi may Diyos tayo.
Kasi 'yung Diyos na mayroon tayo, buhay at hindi nagpapabaya.
Kasi 'yung Diyos na mayroon tayo, hindi tayo ililigaw sa kawalan.
So we give, give, give and give.

Inevitable situations as well na mas kailangan natin ng sasagip sa atin physically, mentally, and emotionally kasi sobrang drained na tayo but we still made sure to lift other's spirit too.
How powerful isn't it?

Kasi God works.
Kasi God is with us.
Kasi God would never let His child live and just suffer.

Ilang beses ka nang hindi natakot magbigay kahit paubos ka na?
Ilang beses ka nang nawalan pero hindi ka nabahala?
Ilang beses ka nang iniwan pero nananatili kanh bukas sa nangangailangan?
Ilang beses ka nang napagod at may pakiramdam na pasuko pero patuloy ka pa ring nakatayo?

Ilang beses ka nang sinubok? Pero patuloy pa ring naniniwala sa Diyos at nagpapamalas ng kabutihan sa kapwa?

Bilib ako sayo.
Pero alam kong mas bilib ang Diyos sayo.

Pero mas nakakabilib 'yung pagmamahal ng Diyos sa atin diba?
Hindi Niya tayo binitawan.
Hindi Niya tayo iniwan.
Hindi Niya tayo sinukuan.
Hindi Siya napagod magpamalas ng Kaniyang kapangyarihan.

May doubt ka pa rin ba sa Kaniya?
Sa kung paano ka Niya kayang mahalin nang buo?
Kapatid, tingnan mo lang ang repleksyon mo gamit ang iyong nakaraan,

Tiyak na mauunawaan mo ako kung paanong naging isang Amang mapagkalinga ang Diyos na mayroon tayo.

Na sa bawat sakripisyong nagagawa nating mga tao,
Kapag nananampalataya ka sa Kaniya, hindi mo ituturing na masakit na karanasan bawat luha at pagod na nararamdaman mo.

Sapagkat ang katumbas ng paghihirap natin dito sa mundo, ay ang tamis na nakalaan sa paraisong naroon si Hesus.

Huwag kang matakot.
Magtiwala ka lang.

Balang araw, mauunawaan mo kung bakit napakasarap manahan sa piling Niya.

'Yung sarap na hirap na hirap ka na, pero ilang sandali lang, pakikiligin ka Niya.

Na kahit walang-wala ka ng lahat ng mga bagay sa mundo, kung mayroon kang Hesus sa buhay mo, sigurado ka nang panalo.

Kung hindi ka na kinikilig, itabi mo! Si Lord nang bahala sayo😉🖤

VERSES (THE LORD WANTS TO TELL)Where stories live. Discover now