Lord, paano naman po ako?

55 0 0
                                    

"The Lord will fight for you, and you have only to be silent."

-Exodus 14:14

Life isn't the one who is exhausting, people that surround are.

Life is wonderful. The world we live in is amazing. There are just chaotic situation that makes it look ugly.

Sometimes, even when we push ourselves harder than we usually do, and get what we want, we still aren't happy though. We keep on pushing more and more until we lose ourselves in the process.

We get tired. Sleepless nights. Anxiety attacks. What ifs. What more. Overthink.

All of it was simply killing the fire within. We can no longer function well because we are overused.

Thing is, hindi lang naman bagay ang na-ooveruse. Our body as well. Ourselves as well.

Binubugbog natin ang ating mga sarili ng mga alalahanin sa buhay kasi takot tayo na may masabi ang ibang tao sa atin mismo. Kasi takot tayo na ma-disappoint ang mga taong umaasa sa atin kada minuto. Kasi takot tayo na baka kapag nagpakita tayo ng kahinaan, iwanan nila tayo.

Kilala ka rin nila na malakas. Na matapang. Na kinakaya lahat gaano man kabigat. Naniniwala ka na isa kang inspirasyon ng mga tao sa paligid mo and you always make sure to be on fire on giving hope and inspire other kasi doon ka lang naman talaga magaling. Kaya akala nila, hindi ka nanghihina. Akala nila parati kang ayos.

But there is this time na you kept on asking God, "Paano naman ako?"

Paano naman ako Lord kapag sobrang bigat na bigat na ako sa mga pasaning mula sa kanila.

Paano naman ako Lord sa mga panahon na gustong-gusto ko na umiyak pero ni-paghikbi di ko magawa kasi hindi pwede, kasi malakas dapat ako.

Paano naman ako Lord sa mga panahon na gusto ko na ring may inaasahan, hindi yaong ako lang parati ang tagasalo ng suliranin nila.

Lord, paano naman ako?

We put all the pressure within up until we are asking God why does everything is happening and comparing.

If you're on it, please, may I remind you this hopeful verse from Him.

Sabi ni Lord, ipaglalaban Niya tayo. Kalmahan lang daw natin. Ipinangako Niya na itatawid Niya tayo sa lahat ng mga "paano naman ako". Kaya ikaw, kung isa ka sa mga ginagamit Niya para magpakita ng kabutihan sa iba, sana magpagamit ka lalo.

Hindi ka naabuso.

Hindi ka martyr.

Hindi ka sayang.

Hindi ka nag-iisa.

Mahal ka Niya at Siya ang bahala sayo.

VERSES (THE LORD WANTS TO TELL)Where stories live. Discover now