Faith over temptation

210 4 0
                                    

2 Pedro 2:20

Nakaiwas na sa kasamaan ng daigdig ang mga taong kumilala kay Jesu-Cristo na Panginoon at Tagapagligtas, ngunit kung muli silang maaakit sa dating masamang gawain at tuluyang mahulog dito, ang magiging kalagayan nila ay masahol pa sa dati.

Isa itong matinding pagsubok para sa lahat ng nagsisimulang manampalataya at patuloy na nanampalataya.

Hindi madaling talikdan ang kinasanayang maling gawa.

We often times ask for forgiveness to the Lord. Ngunit muling nahuhulog sa patibong.

Madali tayong matukso. At masiyadong gasgas sa atin ang mga salitang "tao lang".

Gusto nating magbago pero animo'y ang lakas ng temptation pabalik sa mga maling gawi na gusto na nating talikuran.

Minsan, we tend to question the capabilities of our Almighty Father when it comes to forgiveness.

Na baka hindi niya na tayo tanggapin ulit kasi parang wala namang nangyayari sa kagustuhan nating magbago.

Hindi ka nag-iisa. Marami tayo.
Pero tandaan mo lang ang mga ito:
PRAY. KNOW HIM MORE. DON'T STOP.

Pray, pray, pray. Ask for the guidance, strength and wisdom na malabanan mo ang mga tukso na nagpapabalik sayong gumawa ng kasalanan. Again, do not overuse the word tao lang. Kapag nagkakasala tayo, kausapin agad natin si Lord. Ask forgiveness pero yung sinsero. Dapat kaakibat ng pagsisisi mo, ang pagbabago.

Know him more. Read the scriptures. Understand and live with it. Mahihirapan sa umpisa pero hindi ito dahilan para umayaw ka. Mahirap. Lalo kung masiyado tayong bulag sa makamundong kagustuhan. Pero habang sinusubukan nating lumapit sa kaniya, He draw more close to us. Si Lord na mismo yung lumalapit at mararamdaman mo 'to minu-minuto. Kahit tao ka lang, alalahanin mong templo ka ng Diyos. Kaya mong magbago at sumunod sa kalooban Niya.

Don't stop. Kapag unti-unti mo nang narerealize ang mga kasalanan at kagustuhan ni Lord sayo, don't stop. Madalas nasusubok ang mga taong nananampalataya at malalapit sa Kaniya. Hwag kang mag-alala, palalakasin ka Niya. Be still. Do not stop until you realize na mas masarap mabuhay na nakaangkop sa desire niya kaysa sa desire ng puso mo. Hwag kang tumigil. Magpatuloy ka dahil ang totoong kapanatagan at kaligayahan ay makakamtan mo, ang matamis niyang pangako, ito ang asahan mo.

Gaano man kabigat ang kamaliang nagawa mo, tatanggapin ka Niya basta alam Niyang totoo ang kagustuhan mong manumbalik sa Kaniya. Mahal ka ni Lord. Hihintayin ka Niya hanggang sa maging malakas ang kapit mo sa Kaniya.

Matagal na siyang nakakapit sayo. Ikaw lang ang madalas umaalpas.

Kaya ka ngayon nasasaktan at halos gusto nang mawala na lang, kasi wala kang kinikilalang Diyos.

Alalahanin mo na ang Diyos na nasa iyo ay buhay at hindi niya gugustuhing makita kang palaging nasasaktan ng ganiyan. 
Siya yung pag-asa mo. Kailangan mo lang gumising sa katotohanan.

Mahal ka Niya.
Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal. 💓

VERSES (THE LORD WANTS TO TELL)Where stories live. Discover now