"Ipagdarasal kita.. ."

54 1 0
                                    


"Instead of each person watching out for their own good,watch out for what is better for others."

-Philippians 2:4

Nowadays, we always crave for a friend who will send us money and surprises us with lots of foods. Nauuso na ngayon ang pa-Gcash naman friend o kaya we purposely tag them for the things we want to have. (Guilty po, opo).

Usong-uso ngayon ang "sad ako friend, baka naman." Umay na kasi tayo sa mga shortcomings and anxiety in our lives kaya we tend to divert ourselves through it. Well, serious or not, may we not forget the true essence of friendship.

Tunay ngang biyaya kapag may kaibigan kang napakabuti. May pamilya kang mabait. May sinisinta kang mapagbigay ngunit huwag sana nating makalimutan na may mas nakakakilig pa bukod sa pera, damit, pagkain at kung ano-ano pa mang magmumula sa kanila.

Alam niyo kung ano 'yun?

"Ipagdarasal kita."

Dito sa mundong nakakalunod na, makahanap ka sana ng taong handa kang sagipin at ilapit sa Panginoon.

Higit na kailangan natin ng taong aakayin tayo sa kasiyahang pangmatagalan at hindi lamang sa panandalian.

At sa lahat, sana huwag tayong madamot sa pagdarasal. Sana matutuhan nating maging sinsero at maging laman ng ating panalangin ang kapayapaan sa puso at isip ng lahat.

Tandaan niyo na isang simple at agarang panalangin man 'yan para sa ating kapwa, kapag ito'y totoo at makakabuti sa tao, kaya nitong magpabago ng sitwasyong kinalalagyan ng kahit sino.

It's true that a simple prayer from you can really make a great impact and difference to other people.

'Yung mga successful na tao ngayon, hindi lang dahil sa determinado sila kaya sila nagtatagumpay.

May malaking bahagi pa rin ang dasal mo sa kanila.

Kaya sa lahat ng isinasama ako sa mga dasal niyo lalo sa mga panahong nauupos na rin ako, salamat. Kasi dahil sainyo, kaya ako nagpapatuloy at nagpapalakas upang lalong ipakilala sainyo si Kristo. 

VERSES (THE LORD WANTS TO TELL)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu