Chain yourself in God

53 0 0
                                    

33 "I have told you these things, so that in me you may have peace. In this world you will have trouble. But take heart! I have overcome the world." -John 16:33


I woke up with heavy heart and troubled mind again. Hindi ko gusto. Akala ng iba, nag-iinarte ako. They thought I'm being emotional with no specific reason. I'm being unreasonable. I wanted them to see things I can't express but they opt to ignore the real struggle I have inside. Gustong-gusto ko ipakita na hirap-hirap na ako, na I need someone who is true enough to stay by my side no matter what, na pagod na pagod na ako, na isang kalabit na lang sukong-suko na ako. Pero kahit gaano kabigat, may isang mahigpit na tali na hindi mapatid-patid sa aking puso.

Ang tali na nagpapanatili sa akin na magising kahit mismong katawan ko ay ayaw nang bumangon.

Tali na may kakayahang palakasin ako kahit sa mga panahong tanging panghihina na lamang ang nararamdaman ko.

Tali na nagbibigay pa rin ng dahilan upang ako ay magpatuloy sa buhay.

Tali na may kakayahang magsabi na may magagawa pa ako at may dahilan lahat ng sakit at paghihirap na nararanasan ko.

Tali na kayang higpitan ang sarili sa mga panahong ako na mismo ang bumibitaw at umaayaw.

Tali na may kakayahang magparamdam na hindi ako nag-iisa at handa niya akong hilahin pataas sa mga panahong tanging pagluhod at pagyuko na lamang ang aking nagagawa.

Tali ng Diyos na handang sumalo at umagapay sa mga panahong hindi ko na kayang ipakita na kaya ko.

Minsan kasi, hindi naman pahinga ang nakakapawi sa pagod na nararamdaman natin.

Hindi sapat ang pahinga para maging ayos talaga.

Hindi na sapat ang pahinga para maging tunay na masaya.

Sa bigat at bagsik ng mundo ngayon, hindi na lamang simpleng pahinga ang makapagpapahupa ng dinadala.

Hindi na rin sapat na may nakakausap ka at nakukumusta.

Hindi na rin sapat ang salitang 'kaya mo 'yan, ikaw pa ba?'

Mas nakapagtataka na ngayon ang matatamis na halakhak at ngiti kapag nakakita ka

Mas pagtakhan mo na sila sapagkat sila yaong mga tao na huwad ang saya

at ang katotohanan ay lunod na lunod na sila sa luha.

Pero alam niyo ba ang pambihirang gamot sa puso't isip na pagod na't ayaw nang muli pang masilayan ang mundo?

Ito 'yung pangako ng Panginoon sa tao.

Na kahit hindi na nakakatuwang maging isang anak Niya,

You can always find calmness amidst struggles and problems basta kasama mo Siya.

Basta naniniwala ka sa Kaniya.

Basta mayroon kang Diyos na kinikilala.

Tandaan mong anomang pinagdadaanan mo at ikaila man ito ng mga tao sa paligid mo,

Your emotions are valid, tanggap at alam ng Diyos ang iyong pagkatao.

Hindi mo kailangan lumaban mag-isa.

Nangako na noon pa man ang Diyos na kasama natin siya.

Hindi naging imposible na malagpasan ni Hesus ang buhay dito sa mundo

Kaya nariyan ang tiwala Niya rin saiyo.

Sa Kaniya ka magpahinga

Kasi siguradong mapapagod at mahihirapan ka man, tiyak na ipapanalo ka Niya.



VERSES (THE LORD WANTS TO TELL)Where stories live. Discover now