End Game

53 0 0
                                    

"Mag-ingat kayo na huwag kayong malulong sa labis na pagsasaya, paglalasing at matuon ang inyong pag-iisip sa mga alalahanin sa buhay na ito; kung hindi ay bigla kayong aabutan ng Araw na iyon na tulad ng isang bitag. Sapagkat darating ang Araw na iyon sa lahat ng tao sa ibabaw ng lupa. Kaya't maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng kalakasan upang malampasan ninyo ang lahat ng mangyayaring ito, at makatayo kayo sa harap ng Anak ng Tao." -Lucas 21:34-36


Sa mga nakarang araw at buwan, I was busy thinking how will I handle myself. Sobrang inaatake rin ako ng anxiety ko. The fact na all the sad and bad memories were coming back, nakakaubos. I was so exhausted and drained. Nanlalabo ang landas ko. Kung dati, my fire to know more Jesus is really alive ngunit dumating sa puntong nagising ako isang umaga na wala na bigla. Na hindi ko na nagagawang unahin maski ang magpasalamat sa Kaniya sa panibagong umaga.

Have you ever felt this kind of feeling? Na bigla nawala ka. Biglang hindi mo naramdaman na may Diyos pa rin pala. Na naisip mong nabubuhay ka naman kahit madalas na nakakalimutan mo Siya.

Habang tinitipa ko ito, umiiyak ako. Kasi hindi ko ikinakaila na nawala ako bigla. Parang internet na biglang nagkaroon ng connection lost. Nawala ako sa internet provider. Nawala ako. Nawala ako kasi mas inuna kong alalahanin 'yung mga bagay na makapagpapasaya sa akin imbes na makatulong sa kapwa.

Nawala ako kasi natabunan ng kagustuhan kong piliin naman ang sarili at kalimutan ang iba pansamantala. Nakakabulag. Na habang ninais kong magpakasaya, 'yung bigat sa dibdib ko, hindi maalis-alis basta-basta.

Na habang ginagawa kong piliin ang aking sarili, unti-unting nilamon ako ng makamundong bagay at naiwala ang puso at isip ko sa landas ni Kristo.

At habang pinipili ko ang sarili ko, natagpuan ko na lamang itong pagod na pagod, sukong-suko at naghahanap ng taong sasagip sa kumunoy.

Bigla naitanong ko sa aking sarili na paano kung sa mga panahong kung kailan pinili ko ang aking sarili ay saka nagbalik si Kristo? Saan ako? At hindi ko mapigilang mapaimpit na iyak sapagkat alam kong ang tanging kasiyahan na gustong-gusto at inaasam ng puso ko ay ang makasama Siya.

At dahil sa kagustuhan kong maging makasarili, saka ako hindi makakasama sa Kaniya.

Gusto kong bumalik sa mga panahong hindi ko pa kaya ang mag-isa sapagkat kung kailan ako walang-wala, saka ko naaalala ang Kaniyang halaga.

Panginoon patawad.

Sayo pa rin ang end game na gustong-gusto ko. Pakibalik na po ako sa mga panahong ikaw ang inuuna ko at hindi ang pansariling hangad ng aking puso.


VERSES (THE LORD WANTS TO TELL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon