Right Path

49 0 0
                                    

So teach us to number our days that we may get a heart of wisdom.

-Psalm 90:12

Lumaki akong may paniniwala na life isn't short. Dati kasi I always dreamt many things. Bahay, pera, sasakyan, travel goals and all. Teenage stage is about dreaming and yes, bahagi naman talaga ng buhay.

But when adulthood strikes, hind na mahalaga kung marami kang pera, mas mahalagang nakapagpapahinga pa.

Hindi na mahalaga kung wala ka pang naipundar para sa sarili mo kasi mas mahalaga kung you can provide all the necessity lalo sa pamilya mo.

Hindi na mahalaga kung may ipon. Ang mas mahalaga kasi hindi ka na umaasa sa iba. Hindi ka na palaasa. Dakila ka na nga lang na taumbahay kapag walang trabaho.

Kung dati akala mo sapat ang panahon para matupad mo lahat ng pangarap mo, ngayon unti-unti mo nang narerealize na ang iksi lang pala nito at may pakiramdam ka ng hindi ka na aabot sa dulo.

Sabi ng pari kanina sa homily, may dalawang klase raw na orasan ang tao. Ang pabilog at ang palinya. At alinman sa dalawang orasan na ito, na nagsasabing maiksi lang ang buhay.

Pero sa dalawang orasan na ito, may dalawang taong nabubuhay batay sa kung paano gumalaw ito.

Ang una ay inaaayon sa pabilog. Alam niyang maikli lang ang buhay kaya pinipili niya laging maging masaya, paikot-ikot lamang siya at animo'y ang ganyakin ang sarili ang tangi lamang na kaniyang ginagawa.

Samantala sa pangalawa, mas pinili niyang iayon ang takbo ng buhay sa palinyang orasan. May kamalayan siyang maiksi lang ang buhay at anomang oras, maaari itong matapos, datapwat parehas silang naniniwalang life is short, ngunit mas nanaig sa kaniya ang mabuhay ng may makabuluhang layunin sa buhay.

Nababatid niyang hindi pansariling kasiyahan ang daan patungo sa kaluwalhatian kaya hindi siya takot na harapin ang anomang hamon ng buhay sa kabila ng kaiklian nito.

Nababatid niyang ang pagsasakripisyo kahit sa mga pagkakataong ang sarap nang unahin ang sarili ay mas mahalaga pa rin sapagkat mas kinagagalak ito ng Diyos.

At mas batid niyang ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay ang layong gusto ng Diyos at hindi ang pag-iimpok ng mga makamundong bagay sa mundo.

Hindi nga ba't mas mainam na may napapangiti ka kaysa sarili mo lang ang masaya?

Such a long pov but I want you to take a look at yourself in a mirror and ask, "Am I still at the right path?"

Baka lang kasi naliligaw ka na ulit.

Balik ka na. Pangako, hindi galit sayo si Kristo.

VERSES (THE LORD WANTS TO TELL)Where stories live. Discover now