Surrender your battle

143 2 0
                                    

1 Corinto 10:13
"Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon."

Pasuko ka na?
Ayaw mo na?
Pagod ka na?

Paalala lang sayo ah?
Wala kang karapatan sumuko lalo kung kagustuhan ni Lord yung nangyayari sa buhay mo.

Nasan na ang faith mo?
Hanggang salita nalang ba?

Kaunting problema, kaunting sakit, kaunting pagsubok nakakalimutan mo agad si Lord.

Akala mo ikaw lang nahihirapan?
Akala mo pasan mo ang mundo?

Mali ka.
Lahat ng tao may kaniya-kaniyang dinadala.

Tandaan mo, hindi iyo ang mundo.
Kay Lord 'to.

Kung sa tingin mo unfair siya dahil sa sitwasyon mo ngayon, hindi kaya ikaw ang unfair kasi winawala mo nanaman ang iyong pananampalataya sa kaniya?

Hindi ka bibigyan ni Lord ng struggle na di mo kayang lampasan.

Minsan kasi hindi tayo ang gustong subukin nito, bagkus ang tiwala na mayroon tayo sa kaniya.

Huwag mong tapusin ang buhay mo dahil lang di mo na kaya.
Mas lalong wala kang karapatan pangunahan si Lord kasi sa kaniya ka.

Sa pagsubok mayroon ka, tanggapin mo. Hayaan mong subukin ka nito.

Huwag mong hayaang ang pagsubok ang magpasuko sayo.

Kay Lord lang dapat tayo sumuko.
Kay Lord lang dapat tayo. ❤

VERSES (THE LORD WANTS TO TELL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon