Kay Kristo, hindi ka talo

71 0 0
                                    

Isang mahigpit na yakap sa mga taong kinakaya pa rin kahit hirap na hirap at nabibigatan na. Sa mga taong nawawalan ng pag-asa pero maaaninag pa rin sa mukha ang ligaya. Sa mga taong unti-unting kinakain ng duda subalit mas pinipilit pa ring maniwala at maghintay sa nakalaang biyaya. Sa mga taong nakailang tanong na "kaya ko pa ba?" hanggang sa matagpuan ang sariling nakikitawa at nagiging dahilan ng ilang pagngiti ng mga labi. Ilang beses mo nang inisip na sumuko? Pero diba, alam mong mas talo ka kapag magkataon kaya ang ending, laban ulit kasi wala naman talagang magandang choice bukod sa magtiwala nang paulit-ulit na magiging maayos din lahat. Na makukuha rin natin lahat ng mga mabubuting asam. Na sa kabila ng mga matutulis na batong pilit na inaakyat natin, dala pa rin natin ang pag-asang maaabot natin ang tuktok sa kabila ng lahat na sakripisyo, pag-iisa, duda, at lahat ng bagay na pilit tayong pinahihina. Bilib ako sayo. Dahil kahit pilit mo mang ikubli na ayaw mo na, nagagawa mo pa ring ngumiti at magpatuloy na parang wala kang bigat na dinadala. Bilib ang Diyos sayo. Kung paanong kinaya Niya ang pakikibaka dito sa mundo, alam kong alam mo, na 'yun din ang nais Niya sayo at ipapanalo ka Niya. Ipapaalala ko lang sana, na sa mga panahong hindi mo nagagawang magpakatotoo sa harap ng iba, magawa mo sana ito kay Kristo. Pangako, kahit iyakin ka, tanggap at patatahanin ka Niya 🖤

John 16:33 says “I have told you these things, so that in me you may have peace. In this world you will have trouble. But take heart! I have overcome the world.”

Kay Kristo ka. Walang talo sa Kaniya.

VERSES (THE LORD WANTS TO TELL)Where stories live. Discover now