Kabanata 1

11.3K 168 8
                                    

They said, there are many ways of breaking a heart. Stories were full of hearts broken by love, but what really brokes a heart is taking away it's dream- it's you, my dream. Who's fulfilling someone else's dream and not mine.

I'm standing at the center of the church door. Watching my dream marrying someone else's. I witnessed the happiness of the crowd  watching the two people exchanging their vows. But nobody witnesses my sorrow.

He glanced at where I was standing.

"I love you," he mouthed before saying 'I do.'

Sobrang sakit panuorin ang taong minamahal mo na ikinakasal sa iba at wala kang magawa upang pigilan ito. Wala kang magawa kundi ang panuorin silang binibigyang basbas ang pag-iisang dibdib.

Anong meron siya na wala ako? Anong meron ako na wala siya, na hindi nila nagustuhan sa akin?

He was my first and great love. We had the perfect relationship that I never thought it would all end...like this.

Matapos kong marinig ang 'I do' ni Mike ay umalis na agad ako sa simbahan. Hindi na kaya ng puso kong masaksihan pa ang lahat.

Minsan, tinatanong ko sa Diyos kung bakit sa lahat ng babae, ay siya pa. Not that it would make me less hurt, but because it's her, it destroyed me mentally and emotionally.

Dali-dali kong nai-park ang sasakyan at  lakad takbo na ang ginagawa ko para marating ang elevator. I looked devastated.

Namamaga ang aking mata sa kaiiyak mula pa noong malaman kong ikakasal sila. Araw-araw akong umiiyak sa kaisipang, ang taong mahal ko at minamahal ako ay ikakasal sa ibang babae.

Napatawa ako habang naglalakad, parang nasisiraan ng bait na nakangisi. Ibang babae? Hindi siya ibang babae.

Kinuha ko ang keycard sa clutch bag at binuksan ang unit ko. I immediately went to the kitchen and took a bottle of whiskey. I opened it and drank hurriedly straight from the bottle.

It felt like my throat is burning because of the alcohol. Masakit, pero wala itong kasing sakit sa nararamdaman ko ngayon.

Bumagsak ulit ang mga luha sa aking mata. Our memories together flashed to my mind. The kisses we shared, the nights we slept together. Everything...every memories of us that lingered to my mind feels like stabbing my heart-non stop.

Pailing iling ang pag-iyak ko habang sinasabunutan ko ang aking sarili. Uminom ako ulit ng alak at wala akong pakialam kahit masakit sa lalamunan iyon.

Parang gusto ko nang mamatay sa sobrang sakit. Pero naisip ko si Mommy at Daddy. Masasaktan ko sila at ayokong mangyari iyon.

Hindi kailanman nila ako nakitang lugmok, malungkot at wasak kagaya ngayon. At hindi ko parin ito ipapakita sa kanila. I am Lana. I got all the reasons in this world to stand to what I believe is right.

Pero ang gagawin kong 'to, tama pa ba? Tama pa bang manatili sa kanya? Tama pa bang kumapit sa pagmamahal niya at sa pagmamahal namin sa isat-isa ? 

I know what I should do by now. No second thought of that. I am smart, pero ngayon lang ako magpapakabobo.

Padaosdos akong nahiga sa sahig ng kusina. Naramdaman ko ang lamig nito. Kinuha ko ang cellphone sa clutch bag na nasa sahig na rin at tinawagan ang isa sa pinakamalapit sa akin.

Agad niyang sinagot ang tawag ko.

"T-Tito," tawag ko sa kanya sa isang basag na boses.

"Where are you? Pupuntahan kita," he said in a furious and worried tone. He knows me better than my parents. He knows my weaknesses. He's my bestfriend.

Matapos kong sabihin sa kanya kung nasaan ako ay nanatili ako sa ganoo'ng posisyon. Pagod ang katawan kong gumalaw. Pagod ang lahat sa akin, lalo na ang puso ko.

Ilang minuto pa ay tumunog ang pintuan at alam kong siya na iyon. I gave him my keycard duplicate dahil dito siya tumatakbo kapag nag-aaway sila ni Tita.

"Lana! Where are you?!" umalingaw-ngaw sa buong bahay ang boses niya. Hindi ako sumagot. Pagod na pagod ako, na ni ultimo magsalita ay hindi ko kaya.

He then found me. Bathing with my own tears.

"Fuck!...Lana!" naramdaman kong binuhat niya ako at nakapikit lang ako. Wala ng luhang tumutulo ngunit basang basa parin ang pisngi ko.

Nilapag niya ako sa kama at kinumutan. Ganitong ganito si Mike sa'kin. Palagi niya akong kinukumutan bago pa ako matulog at hinahalikan sa noo.

Ngayon, pakiramdam ko. Dalawa na kaming kukumutan niya at hahalikan niya. Okay lang sa'kin 'yon. Kaya ko 'yon. Ang hindi ko kakayanin ay ang maisip na mamahalin niya rin ang babaeng 'yon.

Binuksan ko ang aking mga mata at hindi ko na ito masyadong maibukas dahil namamaga na ang talukap ko.
Nakita kong nakatitig sa akin si Tito. Galit na galit ang mga mata niya at awa ang nakikita ko sa mukha niya.

"Anong kailangan kong gawin.. hmm? Sabihin mo, gagawin ni Tito," aniya.

He's always like this to me. Protective.

"W-Why her, T-Tito. Why?!" pilit kong sigaw ngunit pabulong na lang ito dahil ubos na ang aking boses.

Hinawakan niya ang kamay ko at inayos ang takas ng buhok ko sa aking noo. Marahan niya akong pinakatitigan.

"Siya. Dahil siya ang pinili, and you really know the answer why. She has something that you don't have...and will never have," masakit niyang sinabi.

I admit it. Yes. Hindi ko iyon kayang ibigay sa kanila, sa kanya. Pero gano'n ba ka importante 'yon? Alam kong okay lang sa kanya kahit wala 'yon. Pero ang mga taong nasa paligid niya, iyon ay isang napaka importanteng bagay.

He said he loves me more than anything and anyone in this world. He promised me that, he'll do anything to make things right. And I'm holding unto that. I will hold tightly.

"Why don't you try to..let him go, Lana," sabi ni Tito Marky sa isang maingat na boses na para bang natatakot siyang mabasag ako kung hindi niya ito maingat na sasabihin.

Try to let him go? No way. No fucking way, unless....

"No, Tito. I will stay beside him. Hihintayin ko ang pangako niya sa'kin. I trust him. I will wait for him," sabi ko.

"Maghihintay ka? Hanggang kailan? Hanggang maubos ka na at wala nang matira sayo? Pinapatay mo ang sarili mo, Lana!" sikmat ni Tito sa akin.

Alam ko 'yon pero mas mahirap para sa aking mawala siya. 'Di bale nang maubos ako kung para naman sa kanya.

"What happened to you? Anong ginawa niya sayo para maging ganito ka, Lana?!"

Umiling ako, at bahagyang ngumisi.

"He loved me. That's what he only did, Tito," I said while still smiling.

Mahinang nagmura si Tito Marky.

"Saan nagkamali si Veronice sa mga itinuro niya sayo?" Tonog sarkasmo iyon. "I should tell Reonn about this," aniya at mabilis akong umiling.

"No. Please, Tito. Let me do this, alone. I will be fine, I'll be okay," pagsisinungaling ko.

Ayoko nang dagdagan pa ang problema ni Mommy and Daddy. They're healing from the pain of the past, too.

Umiling ulit si Tito Marky. He looks disappointed.

"Well, welcome to the world of mistresses, Lana.

The Mistress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon