Kabanata 43

2.9K 63 18
                                    

I stood up, handa nang umalis. Parang pinipilipit ang dibdib ko sa sakit. Lahat sila, niloloko ako. Kung kailan nagsimula nang bumalik ang tiwala ko sa mga tao sa paligid ko, naulit na naman.

"Lana..." pigil ni TJ sa akin at hinawakan ako sa palapulsuhan ko. Pilit kong kinakawala ang kamay ko pero masyadong mahigpit ang hawak niya sa akin.

"Aalis na 'ko, TJ...bitaw na," may diin kong sabi at masama siyang tiningnan. May pagtataka sa mukha niya pero hindi iyon mababago ang kagustuhan kung umalis sa lugar.

"May mali ba akong nasabi? May nagawa ba akong...mali?" patay malisya niyang sabi.

Pahaklit kong inalis ang palapulsuhan kong hawak niya. Wala akong pakealam kong nakakakuha man kami ng atensiyon. Pagod na ako sa lahat, pagod na akong maloko...ulit.

I laughed with full of sarcasm.

"Parang hindi mo siya kilala kung magsalita ka," I started. I was raging with madness inside me.

Gulat siya sa sinabi ko pero agad siyang nakabawi. Huli na dahil wala nang makakapigil sa kumukulong galit sa loob ko.

He stood up. "What are you talking about, Lana? Hindi ko naman talaga siya kilala," pagsisinungaling niya pa.

"You, liar!" I spat.

In my peripheral view, I saw Mike stood up pero hindi ko sila binalingan.

"Hindi ako nagsisinungaling sa'yo, Lana!" TJ explained more but I turned and walked my way out of the restaurant. Kahit handa na akong isampal sa kanya ang nalaman ko, hindi ako nagpadala sa galit ko. Maraming tao sa paligid, ayokong mag eskandalo roon. Kaya nang makarating ako sa labas, hindi ko inakalang susundan pa ako ni TJ.

Isang pahaklit at mahigpit na hawak ang nagpalingon sa akin. Ito ang unang beses na may humawak sa akin nang ganito kahigpit...nasasaktan ako.

"Bitiwan mo ako!" sigaw ko pero hindi niya ako pinapakinggan.

Just how fast his mode changes. Kung kanina, malumanay at nagsusumamo, ngayon ay nanlilisik na halos ang kanyang mga mata na para bang may kinikimkim siyang galit sa akin.

"Bakit ayaw mong maniwala sa akin Lana, huh?" aniya habang hawak pa rin ako. Naninindig na ang balahibo ko sa paraan nang pagtingin niya sa akin.

"Nakita ko kayong magkasama ni Shelly! Tapos...magpapanggap kang hindi mo siya kilala? Too bad I found out earlier, huh?" I made it sound very sarcastic.

We're at the parking lot at wala akong nakikitang tao sa paligid, kaya kinakabahan ako at baka ano pa ang gawin sa akin ni TJ.

Tumingin siya sa kisame at nakakalokong tumawa, animo'y may nakakatawa sa sinabi ko. Mukha siyang nasisiraan nang bait kung titingnan kung hindi ko siya kilala.

"E' di dito na matatapos ang pagpapanggap ko," nakangisi niyang sabi at kumalabog ang dibdib ko nang husto. "You made her suffer too much, Lana. Too much that you killed my child! You killed my child!"

Sandali pa akong napatanga at hindi na proseso agad ng utak ko ang sinabi niya. I killed...his child? His child? Hindi ko maintindihan. Nakatitig lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko.

"You didn't know, huh? You have no idea that you're a murderer?! You fucking murderer?!" he angrily said and his eyes were full of unexplainable madness.

"A-Ano'ng...sinasabi mo..." tanging nakayanan kong maitanong sa kanya dahil naguguluhan ako sa nangyayari.

Without hesitation he strangle my neck and I was losing my air to breath. Sinandal niya ako sa dingding ng parking lot at hindi na nakatulong na nasa medyo madilim kaming parte. Wala akong maaninag na tao sa paligid. I'm losing it. A tear fell from my eyes fighting for my dear life. Dalawang kamay ang nakahawak sa leeg ko at ramdam kong medyo nakaangat ako sa lupa.

The Mistress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon