Kabanata10

3K 49 1
                                    

I was completely astonished by the beauty of the place. The overlooking city with the apocalyptic sunset makes the whole place magnificent. Wala masyadong tao sa lugar at kung meron man ay nasa malayong parte sila, nagpi-picture.

"Ang ganda," sabi ko habang nakatayo kami kaharap sa papalubog na araw. In my peripheral vision, I saw him...watching me and said;

"Yes, very beautiful," he said and I don't know but it was as if he was referring to me. Napabaling ako sa kanya at isang ngiti ang ibinigay niya sa akin, dahilan kung bakit nawawala ang mga mata niya pag ngumingiti siya.

"I know," sagot ko at nagtaas siya ng kilay na para bang namamangha siya sa sagot ko.

"What do you mean, you know?" manghang tanong niya at bumalik ako sa pagtingin sa malayo.

"I know, that I'm beautiful?" sabi ko at ibinalik sa kanya ang tingin at humalakhak na siya ngayon. Sumama ang mukha ko dahil sa ginawa niya. Nagkamali ba ako? Kung hindi ako ang tinutukoy niya, e, bakit sa akin siya nakatingin? I rolled my eyes and walked away from him.

"Hey," narinig kong tawag niya sa akin at halata pa rin ang saya sa boses niya. Naramdaman kong may kamay na humawak sa kamay ko at agad kumalabog ang dibdib ko nang makitang kamay iyon ni Mike. I looked at him pero hindi siya sa akin nakatingin. Sa malayo ang tingin niya na parang wala lang sa kanya ang ginawa niyang paghawak sa akin.

I acted cool with it. Bigla niya akong hinarap at mariin na tinitigan. His dazzling eyes hit by the sunset makes it look like an eternal yellow-brown. Nagugulo ng bahagya ang buhok niya dahil sa hangin, but it didn't make him less...attractive.

Hinawakan niya ang isa ko pang kamay at sinundan ko bawat galaw niya. Hawak-hawak na niya ngayon ang dalawang kamay ko habang nakatitig sa akin. I don't have any idea what he is doing but my heart can't calm because of it.

"Be my girlfriend, Lana," aniya sa akin at para akong nangingiti. As expected. Kapag ganitong ganito ang galawan ay aanyayain ka nang maging girlfriend. Credits to kdrama and Tita Veronice.

This time I immediately remembered Tita Veronice's rule number 1; Kapag aayain ka ng lalaki na maging girlfriend niya ay huwag mo siya sasagutin agad. Kahit pa gusto mo na siyang sagutin ay magpakipot ka muna. Dapat isipin nila na sila ang may malaking gusto sayo at hindi ikaw. In short; Huwag maging malambot ang ilong.

"Pwede ko bang pag-isipan muna?" I said at medyo nagbago ang mukha niya. Hindi naman siya mukhang galit, pero parang dismayado.

"I understand," saad niya at ngumiti na rin siya.

Inaya niya akong kumain sa café ng lugar pero ang utak ko ay wala sa kumakalam kong tiyan, kundi nasa sinabi niya kanina. He really did asked me to be his girlfriend. Kung sasagutin ko siya, he will be my first boyfriend. Kailangan kong pag-isipan ito ng mabuti.

I date to marry. Like I'm not trying to date someone to waste my time and I'm not out here to use someone just to make myself happy. If I'm dating him it's clearly because I love him and want to be with him.

We ate dinner and had a get to know conversation, which is good. Pero hindi ko pa sinabi sa kanya na malapit na akong bumalik ng Manila dahil may pasok na kami. Sa susunod ko na lang sasabihin sa kanya kapag nakapag desisyon na rin ako.

"Paano 'pag wala na ako rito?" tanong ko sa kanya habang nakaupo kami sa sementong upuan sa gilid ng mga bulaklak.

"Bibisitahin kita sa Maynila," giit niya. Nagpatango-tango ako. Magagawa niya ba iyon? Ang layo ng Maynila at mahirap pang makakuha ng leave sa trabaho niya. Maliban na lang kung sa Maynila siya ma-aasign. Pero malabo iyong mangyari.

The Mistress Where stories live. Discover now