Kabanata 21

2.1K 50 3
                                    

"You what? Engagement? Sa akin?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Hindi. Sa Dadddy mo, gusto mo 'yon?" Walang hiya niyang sagot at tinawanan pa ako. Inirapan ko siya at binitawan ang kamay niya.

"Hey," sabay hawak niya ulit sa kamay ko. I glared at him pero nangingiti lang siya sa akin. Hindi man lang natitinag sa masamang tingin ko.

"Sayo nga. Kanino pa ba?" This time, he said it in a serious way.

I blinked twice, thrice before furrowing my brows. Seryoso ba siya? Engagement agad? Ni hindi pa kami umabot ng isang linggo! I laughed at tinuro ko pa ang mukha niya.

"Okay that's funny. Next," giit ko, hindi siya sineryoso.

Huminga siya nang malalim at hindi man lang natawa kaya natigil ako sa pagtawa. Bumalik ang tingin niya sa langit at malalim ang iniisip.

"It sounds funny, but I'm not getting any younger, Lana. I'm sorry kung nabigla kita. Hindi ko na uulitin," aniya at nagpakurap-kurap ako.

Hindi ko akalaing seryoso siya sa sinabi niya. But c'mon, kahit man lang paabutin niya man lang ng isang buwan bago niya sabihin sa akin 'yon. Well, he's right. Nasa tamang edad na siya para magpakasal. Actually, lagpas na nga sa kalendaryo.

"Don't ask me about that too quickly. Hindi ka pa sigurado sa akin. You only knew half of me yet," saad ko at napatingin siya sa akin sabay ngiti at tumango.

"Right. I'm sorry."

I went home alone dahil hindi na ako nagpahatid kay Mike. My mind was clouded by his sudden proposal. Why is he in a hurry? Is it because he's that really sure about me? Or he's of age to get married?

Hindi ko alam. Hindi ako sigurado. Pero walang halong biro nang sinabi niya iyon. I saw it how serious he was when he told me that. Maybe, he liked me that much, huh? That he couldn't wait to marry me.

Pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko si Veronica habang may dalang popcorn. Narito siya? Hindi man lang nagsabi.

"Hi! You're here!" masayang bati niya animo'y ako 'yong bisita. I look around and saw no one but her.

Naupo ako sa sofa at tumabi siya sa akin dala ang popcorn.

"What's wrong ba? You looked pagod. Did you two tasted each other?" She whispered. Pinandilatan ko siya agad at kinurot sabay tingin ko sa paligid at baka may makirinig sa kanya. Tawa naman siya nang tawa dahil sa ginawa ko.

"Shut up, V. Baka may makarinig sa 'yo," mariin kong sabi at hinila niya ako papunta sa taas, sa kwarto ko.

Pumasok kami at dumiretso na ako sa banyo para magbihis at gawin ang skincare routine ko habang kumakain naman ng popcorn si V sa kama ko.

I was rolling the jade roller to my jaw when she glanced at me.

"So, anong chika?" Tanong niya.

"He proposed," tanging sinabi ko at hindi siya tiningnan.

"He what?! Proposed?!" She exclaimed loudly at hindi na ako natakot dahil soundproof naman ang kwarto ko.

"Oo nga. And I declined him," sagot ko at binato niya ako ng popcorn.

"Stupid! You should've accepted his proposal! Ugh, how stupid," aniya at sinamaan ko siya ng tingin.

"Was I wrong to turned him down, V? Hindi pa nga kami nag anniversary, proposal agad?"

She sighed deeply na para bang ang laki ng kasalanang nagawa ko. What I did was right. I'm not that sure of him yet. I mean, yeah, I love him but what if we're not meant to be? I'm just being realistic.

The Mistress Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt